Maaga akong nagising ngayong araw dahil ngayon kami pupunta sa pamilya ni Donny.
"Ano bang dapat kong isuot?" Pagtatanong ko sa sarili ko.
Sa huli ay kumuha na lang ako ng yellow dress na above the knee lang ang haba. Pastel ang pagka kulay nya at tinernuhan ko to ng yellow pastel color rin na headband. Mag wa-white na sneakers na lang siguro ako at magdadala ng pouch.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Napili ko na dilaw ang suutin ngayon dahil natatandaan ko pa ang sinabi ng Daddy noon ni Donny sa akin.
Ako raw ang sunshine ng showbiz. Kapag nakikita raw kasi ako ng kahit sino ay nagiging bright ang aura nila. Ganon rin sa kanila. Tinuturing daw nila akong sunshine bukod kay Solana. At sobrang saya ko para ron. Hinihiling na sana'y ganon pa rin ang tingin nila sa akin.
Maya maya lang ay nag message na sa akin si Donny na nasa parking area na sya. Sinabi ko kasi sa kanya na wag na syang umakyat dito at imessage nya na lang ako kapag sya'y nakarating na.
Agad ko namang kinuha ang mga gamit ko at nag punta na kaagad sa parking kung nasaan ang lalaking sumundo sa akin.
Nang makarating sa parking area ay nakita ko syang naka sandal sa sasakyan nya. He's wearing a yellow pastel color din ng polo open ang dalawang butones. Naka shorts sya na black at naka adidas na white shoes.
Bakit ba lagi nya na lang akong nateternuhan? Minsan ay nagtataka na lang din ako kung may lahi ba syang manghuhula o baka sadyang nagkakataon lang talaga?
"Huy." Tawag ko sa kanya para makuha ang atensyon nya. Tumingin naman sya sa akin at pinasadahan ang kabuuan ko na tila ba manhang mangha.
"Ikaw ha, pano mo nalaman na mag ye-yellow ako?" May halong pang-aasar na sabi nya.
Ako pa nga.
"Ikaw nga yata ang dapat kong tanungin." Sabi ko at bahagyang umirap sa kanya.
"Hays baka destiny lang talaga tayo kaya ganoon." Nakangiti pa ring sabi nya at pinag buksan na ako ng pinto.
Katulad noon ay ako ang nagsuot ng seatbelt ko.
Nakafocus naman sya sa pagmamaneho kaya hindi ko na sya binalak kausapin pa.
"Anong nararamdaman mo?" Biglang tanong nya sa akin dahilan para mapaayos ako ng upo.
"Kinakabahan." Tanging sagot ko naman sa kanya habang naka tingin sa bintana.
Ang galing talaga dahil nakikisama sa amin ang daan. Sobrang payapa bumayahe ngayon.
"Wag ka nang kabahan, tao pa rin naman sila." Sabi nya ulit sa akin kaya napa tingin ako sa kanya ng naka kunot noo.
"O ayan ka naman sa tingin na yan e!" Sabi nya habang nagpapalit palit ang tingin nya sa daan at sa akin.
"Mula nung nag pagbalik mo rito ay lagi na lang ganyan ang mukha mo!" May halo sa tono nya ang pang-aasar.