Chapter 2

5 0 0
                                    


Sa gitna ng aking pananahimik ay narinig ko na lang ang pagbukas ng aking pintuan at pumasok si Nanay Kalay na may maamong ngiti para sa akin.

"Oh, anak, bakit hindi ka pa nagbibihis? Nahiga ka agad dya sa tatami mo. Masama ba ang pakiramdam mo?"

Nag-aalalang tanong ni Nanay. May katandaan na rin sya. Sya ang nag-alaga sa amin ni kuya simula nang isilang kami kahit ngayon na ako ay labing-walong taon na. Si Mama mismo ang nagpapasok sa kanya bilang aming tagapag-alaga. Kababayan nya rin ito sa Pilipinas kaya hindi basta-basta mapa-alis nino man dito sa bahay at kagustuhan na rin ni Papa na manatili sya.

Sya ang madalas kong paglabasan ng sama ng loob at nasasabihan ng magagandang nangyari sa araw ko. She's like a mother to me. Naging magaling na rin ako sa wikang Filipino dahil kay Nanay. Kaya sinabi nya na kung papayagan ay dadalhin nya ako kung magbabakasyon man sya. Ngunit alam ko naman sa aking sarili na hindi yun magkakatotoo kahit naisin ko man.

" Narinig ko kanina ang pagdating mo pero di kita masalubong dahil may pinag-utos sa akin ang Obāchan (lola) mo. Alam ko rin ang desisyon nila tungkol sa'yo." Niyakap nya ko nang mahigpit na parang nagpaparamdam na karamay ko sya. Di ko napigilan ang mapahikbi.

"Nanay, mula nang mawala si Mama, palagi na nila akong dinidiktahan. Hindi ako basta-basta makipagkaibigan kahit kanino kasi dapat may patnugot nila. Nung sinubukan kong makipagkaibigan sa anak ng cook sa school, nalaman ko na lang nung sumunod na linggo na lumipat na sila dahil natanggal sa trabaho ang Mama nya. Am I a puppet to them?" Patuloy kong labas ng hinanakit kasabay ng pag-iyak.

"Shhhh... tahan na anak. Ipagdasal na lang natin na nawa'y magbago ang pag-iisip ng Papa mo. At sana'y di mahuli ang lahat. Magbihis kana at tatawagin kana maya-maya para sa gaganapin na tradisyon ng inyong pamilya. At kaarawan mon a bukas. Dapat masaya ka para sa araw na iyon."

MAtapos kong makapagbihis ng aking kimono na may disenyo ng sakura, paborito kong disenyo, ay bumaba na ako sa aming hardin kung saan gaganapin ang siremonya na ginagawa sa aming pamilya pagkatungtong ng labingwalong taong gulang.

Sa aking pagbaba ay maririnig ang mahinang pagtunog ng koto. Nandoon na sa hardin ang aking buong pamilya na tila walang mga reaksyon ang mukha. Tila pinapahiwatig nila na isa akong kahihiyan oras na magpakita ako ng konting kahinaan sa seremonyang ito.

Ang tinutukoy kong siremonya ay ang pagtatattoo ng simbolo ng aming pamilya sa nakalipas na mga hinerasyon. Ito ay ang kanji ng aming pangalang Yamasaki 山崎.

Habang ginagawa ang buong siremonya, ay sinisikap ko na hindi magpakita ng kahinaan sa harap ng lahat. Tiniis ko ang sakit ng bawat turok ng tila karayum sa aking balat. Ayoko nang may maisip nanaman silang kakulangan ko sa perpektong pamilyang ito.

Natapos ang araw na iyon na tila di ko namalayan. Nalaman ko na lang nang pumasok ang aking kuya sa aking kwarto at yakappin ako nang mahigpit bilang pabati sa aking kaarawan. Si kuya Hiroto ay matanda sa akin ng dalawang taon. Masungit sya sa lahat maliban sa akin dahil kung ituring ako nita ay parang prinsesa na lagi nyang binibigyan ng ngiti. Taliwas sa personalidad na ipinapakita nya sa lahat.

"Otanjoubi Omedetou!" sabay bigay ni Kuya ng kanyang regalo nakabalot pa sa pink na wrapper habang may malaking ngiti para sa akin. Inabot koi yon at binuksan. Isa iyong kwintas na may pendant na kakulay ng bukang liwayway, my name's meaning, Akemi.

" Thank you, Kuya!"

" You're welcome, Hime (princess)."

Agad akong yumakap sa kanya ng mahigpit. Ginulo nya naman ang aking buhok habang tumatawa.

"You're now of legal age. Your funds are now under your name. You can free yourself now."

"Pero Kuya... alam mo naman si Papa. At ayaw kitang iwan dito. Lalo na at may nakatakdana silang plano para sa akin."

"Stop worrying. Akong bahala. Do whatever you want. I'll be here to support you. Go, live. Live your life for me Hime, and for Mama" sabi ni kuya na may mapagmahal na ngiti at mahigpit na hawak ang dalawa kong mga kamay.

May kinuha ito sa bulsa ng kanyang jacket at inilapag sa maliit na lamesa sa tabi ng aking kama.

" I'll leave it here. There's a plane ticket to the Philippines and bankbooks under your name. You can escape after your class tomorrow. I'll fetch you and take you to the airport. Don't worry for me. I'm already holding a higher position in our company. I'm doing my part as their heir. They better leave you alone."

Mahigpit na lang na yakap ang ibinigay ko kay kuya dahil sa halo-halong imosyong nararamdaman ko ngayon. Nagdadalawang isip man kung susundin ko ang plano ni kuya ay naroon parin ang saya sa loob-loob ko dahil sa kalayaan na tila akin nang makakamtan.









_________________________________________________________

a/n: waaahhhhhhhh! it's my second chap for today. hope you like it. May i ask for your feedback? Just constructive criticism. hindi po ito well-edited to sorry for some typo and grammatical error. 

SHE'S MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon