"Pagkatapos ng pagsusulit ninyo sa araw na ito ay aasikasuhin na lang ang para sa inyong graduation. You are still expected to finish and comply all your requirements until the end of school year. 'Yun lang muna sa ngayon. Omedetō mina." Bilin ng aming guro pagkatapos ng klase.
"Hai. Arigatou guzaimas."
Pagkalabas ng aming guro ay agad na lumapit sa akin ang aking nag-iisang kaibigan na si Shoyo. Malapit na magkaibigan ang aming pamilya kaya walang problema kahit na magkaibigan kami.
"Akemi, may plano ka na ba pagkatapos ng high school?"
Mahina akong tumango. "Mag-aaral ako ng college at kukuha ng Architecture. Di ko pa alam kung saang paaralan."
Bahagya syang nalungkot pero ngumiti din kalaunan.
"Magkaiba pala tayo ng kukuning course sa kolehiyo. Business course kasi ang kukunin ko. Hindi ko maisip kung ano nang mangyayari sa akin dahil magkakahiwalay na tayo. Ikaw lang naman ang pinaka malapit na kaibigan ko."
"Hindi naman palaging magkasama tayo. Dadating talaga ang panahon na mag-iiba tayo ng landas. But don't worry. I'll always be your best friend." Sabay pakita ko ng pinky finger ko.
May dumaang lungkot o sakit sa kanyang mata na hindi ko matukoy kung para saan. Pero binigyan nya din ako ng malaking ngiti at ipinagkawit ang aming mga daliri.
" Wag ka nang malungkot dya. Parang di ko naman alam na may nagconfess naman sa iyo sa kabilang section kahapon at tinanggihan mo na naman. Ikaw nang gwapo!"
Doon na sya tumawa nang malakas at ginulo ang aking buhok na mabilis kong pinalo palayo.
"Di ba may laro pa kayo mamaya kalaban ang girls' basketball team ng kabilang school? Tara, samahan kita sa gym. Water boy mo na naman ako."
"Kahiya naman sa'yo. Ang gwapong Shoyo Tsudehara na crush ng lahat, water boy ko lang?"
Pero tinulak nya lang ako palabas ng classroom habang madiin na tinitignan ng mga fangirls nya.
Mukhang masaya man ako ngayon, buo na ang isip ko na susundin ang plano ni Kuya. Sawa na akong tapunan ng mapanghusgang mga mata ng aming pamilya. Porket natatanging babae ako sa aming magpipinsan ay tinuring na nila akong mahina at walang silbi kundi kanilang tagasunod sa kanilang nais. I won't settle for being nothing anymore. I want my freedom and it's now in my grasp.
May mga maiiwan man ako na tunay na nagmamahal at nagpapahalaga sa akin, I know that I need this to prove myself to them. Kahit mahirap. Kahit masakit.
"CONGRATULATIONS! Ang galing mo talaga Akemi. Ikaw ang nagpanalo ng inyong team! Walang sinabi ang top three sa pinakamagaling sa ating prefectural." Masayang pagsalubong sa akin ni Shoyo matapos manalo ang aming team. Tinotoo nya nga na maging water boy ko ngayon hanggan sa aming game.
"Mana ka talaga sa akin. Tara, celebrate tayo? Treat mo!" Anyaya nya habang nakatingin sa akin sa kabila nga mga sumusubok kunin ang atensyon nya lalo na mga babae.
"Pasensya na. Hindi ako pwede ngayon eh. Alam mo naman."
Sagot ko nang nasa labas na kami ng school. Humarap ako sa kanya at tinignan sa likod nya ang kaniyang sundo na nakatingin lang sa amin. Sakitin kasi sya mula pa pagkabata kaya mahigpit syang pinababantayan ng kanyang mga magulang. Sya kasi ang susunod na head ng kanilang pamilya kaya siguro iniingatan nila ito. Matapos palagi ang klase ay agad syang sinusundo para makapagpahinga.
Mahina syang tumango saka ngumiti sa akin na halos di na makita ang kanyang mga mata sa sobrang singkit. Pero ito ang higit na nakakapag pagwapo sa kanya ayon sa kanyang mga fangirls.
" Di bale, bukas na lang. Dadalhan kita ng bento kaya wag ka nang gumawa."
Maliit akong ngumiti. Maingat kong inangat ang aking kamay at hinawakan sya sa dulo ng manggas ng kanyang uniform. Tinitigan sya na tila nagpapa-alam.
"Naging mabuti kang kaibigan sa akin, Shoyo. Marami mang sinasabi na hindi maganda ang mga pinsan ko tungkol sa akin dahil sa hindi ko pagiging buong Hapon at pagiging babae ay hindi mo sila pinakinggan. You treated me as equal as how you are treated by your family. You've been my outlet every time I felt like I'm being useless and I'm thankful for that. I'll always treasure you, remember that, always."
May pagtataka nya akong tinignan saka ginulo ang buhok ko na mahilig nyang gawin saka malakas na matawa nang tila matauhan na.
"Ang drama mo ha. Bento lang yun ano ka ba? Sige na dadamihan ko na yung parte mo." Sabi nya at tinuro ang kanyang sundo tanda ng kanyang pagpapa-alam na mauuna nang mauwi.
Ngumiti na lang ako at tumango at tumalikod kasabay ng malayang pagtulo ng aking pinipigilang luha kanina pa. Kasabay ng pagkuha ko ng aking cellphone sa aking bulsa at tinawagan si kuya.
" Nisan, I'm ready."
________________________________________________________________________
Omedetō mina- congratulations everyone
arigatou guzaimas- thank you so much
bento- pack lunch
Nisan- big brother
BINABASA MO ANG
SHE'S MINE
Teen FictionEveryone has their own story to tell and sometimes, you have to keep it for yourself. But what if one day, you're already full of all those draining things that hovering you and tried to escape from it? Would there be someone who is brave and willin...