ANNOUNCEMENT! 8-11-21

4.3K 52 37
                                    


Hi guys, SorceressPrincess po ito,
Gusto ko lang po sana ishare sa inyo ang pinakamalungkot na nangyari sa akin ngayon. Related po ito sa TJB. Nakatanggap ako ng balita mula sa kakilala ko tungkol sa mga taong nagnanakaw ng mga story at binebenta ang mga soft copy. Sadly marami na po silang nabibiktima at kasama na po ako dun. Matagal ko na sinasabi noon pa na hindi ako namimigay o nagbebenta ng soft copy ng story ko.

Itong TJB. Pinaghirapan ko po itong isulat noong college pa ako, naglalaan pa nga ako nang time para magsulat at iupdate itong story. Tuwang tuwa pa nga ako noon dahil sa wakas natapos ko na din itong isulat.

Mahal na mahal ko po ang pagsusulat. Pangarap ko noon na maging isang writer. Sadly noon, huminto ako sa pagsusulat dahil nagkaroon ako ng depression at anxiety matapos kong gumraduate ng college. Ayokong lumabas ng bahay at wala akong ganang magsulat. Ngayon taon lang ulit ako bumalik sa pagsusulat.

Napakasakit sa dibdib na makita yung story ko na pinaghirapan kong isulat tas pineperahan lang pala. Pinaghirapan ko yun eh, tapos binebenta nila?

Please, sa mga reader ko. Ireport ninyo po ang mga taong ilegal na nagbebenta ng mga soft copy. Bawal po iyon. Kung hindi po sa'kin, gawin niyo po para sa paborito ninyong author na naging biktima o mabibiktima nila. Baka din po na maging kasama din kayo kung sakali na nagsusulat kayo.

1/9/22 

A/N: For more information about where to read the full version, please send me a message on my fb fan page.

https://www.facebook.com/SorceressPrincess

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Jerk's Babies! (COMPLETED+SAMPLE ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon