TJB 5.2

278K 3.2K 34
                                    

Continuation...

ICE's POV

Pabaling-baling ang ulo ko. Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog, kaya naman ay iminulat ko ang mata ko at sa pag-gising ko ay hindi ko maiwasan na mangamba dahil hindi sa akin ang silid na ito. Ang tanging naalala ko lang ay tumakbo ako para takasan iyong dalawang lasing na lalaki at humingi ng saklolo sa dalawang tao...and then...

Oh shit!

Bumalikwas ako sa kama at inilibot ang tingin sa paligid at tumigil ang mata ko sa isang particular na lalaki. Walang iba kundi si Felix na prente na nakaupo sa sofa at umiinom ng kape. Napansin ata niya na gising ako ay ibinaba niya ang tasa ng kape at ngitian ako ng kay tamis.

"How's your sleep, babe?" He ask me.

Uminit ang ulo ko ng bigla ginamitan niya ako nang endearment. Matalim na tiningnan ko siya. "Bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko sa kanya na imbes na sagotin ang kanyang tanong.

"Look, wala akong ginawang masama sa'yo, okay? Dapat pa nga pasalamatan mo ako dahil iniligtas kita sa dalawang lasing na iyon. Hindi ko alam ang room mo kaya dito na lang kita dinala."

"Pwede mo naman tanong ang receptionist kung saan ang room ko.”

“Oo nga 'no? bakit hindi ko ginawa iyon?”  Asar talaga ang kolokoy na ito! I crawl off the bed at tumayo ng maayos. Naglakad na ako patungo sa pinto ng naramdaman ko na parang pinagbaliktad ang sikmura ko sa sama ng pakiramdam ko. And I felt as if I’m going to throw up,  tinakpan ko ang aking bibig at tumakbo papasok sa banyo. Sinara ko iyon ng maayos tas sumuka sa lababo. Ayoko ng ganitong pakiramdam.

Narinig ko ang pagkatok ni Felix sa pinto. “Hey, are you alright?”

Hindi muna ako sumagot, nagmadali ako na linisin 'yong sinuka at namumog ako tas ng makasiguro na walang trace na ay pinagbuksan ko siya ng pinto. Nang pinagbuksan ko siya ay kitang-kita ko ang pagsalubong ng kilay niya. Pinagpapawisan tuloy ako kahit na malamig naman dito sa loob ng suite niya.   

“I’m fine.”

“Namumutla ka ata, gusto mo bang ipadala na kita sa ospital?” nag-alala ng tanong niya sa akin.

Muntik na akong masamid sa sariling laway dahil sa pinakita niyang concern sa akin. Maliban doon ay napakagwapo din niya tila anghel na bumaba sa langit, para bang hindi ka sasaktan but knowing him in such a long time, alam ko na kabaliktaran lang iyon. Ginagamit lang niya iyon kagwapuhan niya para makapang-akit ng mga babae.

Tinitigan ko siya na tila nababaguhan sa ugali. Marunong din palang mag-alala ang mokong na 'to?

“I said I’m fine. Thanks for saving my life. Now if you’ll excuse me, I better to go now baka kasi hinahanap na ako ni Max eh.” Pilit na pinatatag ang tinig ko. Umakto naman siya na para bang nasaktan sa treatment ko.

“Ouch naman, Ice baby, bagay na bagay talaga ang nickname mo. Kasing lamig ka talaga ng yelo.” Umakto pa siya na parang nasaktan. Ha! Ako pa ang malamig?! Eh sa ayaw ko mapalapit sa kanya! I was just protecting myself against him! “After all I did to you, ganito pa ang trato mo sa akin.” Hinihimas pa niya ang kanyang panga na napansin ko na may pasa siya. Nakuha ba niya ang pasang iyon dahil sa pagligtas sa akin? Nakonsensiya tuloy ako. Bumuntong hininga na lang ako, kapag may gusto talaga siyang makuha ay gagawan niya iyon nang paraan upang makuha niya ang gusto niya. Bastard! “Sumabay na lang kaya tayong mag-breakfast?” Patuloy niya. “Reward mo na lang 'yon sa akin dahil iniligtas kita sa dalawang matsing.”

The Jerk's Babies! (COMPLETED+SAMPLE ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon