Chapter Four
Gimbal na nakatitig ako sa dalawang linya na lumitaw sa pregnancy test. Nanginginig ang kamay ko kaya nabitiwan ko iyon. Hindi maari ito! Baka sira lang ito! Parang gustong mag-sink-in sa utak ko ang nadiskubre ko.
Buntis ako!
Tuluyan ng nahulog ang mga luha ko sa pisngi at napatuptop ako sa bibig. Isang beses lang naman iyon eh… it’s so unfair! Bakit ba ang malas ko? Anong iisipin ng parents at kaibigan ko? Lalo na si Max, napaka-conservative din kagaya ko. Kahit na hindi halata dahil napaka-kikay niyang tao. Baka putulin niya ang pagkakaibigan namin. Agh! Lalo na din siguro 'yong parents ko baka itakwil nila ako. and even worst is, I am not yet ready na ipagtapat sa kanila tungkol dito lalo na din sa ama ng magiging anak ko! Ang ipinagpasalamat ko ay ako lang ang nakatira dito sa two storey house na binili ko pa three years ago dahil gusto ko maging independent sa magulang ko.
Bumuntong hininga ako habang inilagay na ang dalawang pregnancy kit sa ibabaw ng lababo. Lumabas na ako sa banyo at iniwan iyon doon. Wala na akong magagawa nandito na eh, wala rin naman akong planong ipalaglag ito. Lumapit ako sa wardrobe at inilabas ang kinakailangan kong mga damit. Kailangan ko maghanda dahil pupunta kami sa isang resort ni Max. Si Max na ang bahala sa reservation namin. Pagkatapos kong mag-empake ay inihanda ko na iyong maleta, malapit sa pinto ng bahay. Hihintayin ko na lang ang tawag niya. Sabi kasi niya kanina na mas maganda na ngayon na rin kami bumyahe para daw hindi magbago ang isipan ko.
Humiga ako sa kama at tinitigan ang puting kisame.
Bumuntong hininga ako. “Anong gagawin ko?” Pabaling-baling ako sa higaan at pinikit ang mata ko. Laman parin ng isipan ko ang tungkol sa problema ko ngayon, hangang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. At nawala sa isipan ko na may hinihintay pa pala akong tawag.
Mahimbing na natutulog na sana ako no’ng may marinig akong katok sa kwarto ko. Bumangon ako sa kinahihigaan at nagtataka na tiningnan ang pinto. Sino kaya iyon? Sa pagka-alala ko ay ang taning binigyan ko ng duplicate ay ang parents, joer at si max lang.
Nang mapagbuksan ko iyon ay bumulagta sa paningin ko si Max na nakasimangot.
“Hoy! Bruha! Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko ha?”
Tinaasan ko siya ng kilay. Tawag? Napakamot na lang ako sa ulo habang naglalakad pabalik sa kama at bumalik sa tulog. “Bwisit naman oh! Nakita mo na mahimbing natutulog tas nambubulahaw ka!”
“Gee! Gabi na kaya tas bakit babalik ka pa sa tulog?” Lumapit siya sa akin at pilit niya akong pinapaalis sa kama.
Umungol ako. “Leave me alone. Gusto ko pang matulog…”
“Pano na iyong reservations ko sa resort na pupuntahan natin bukas? Huwag mong sabihin na matutulog ka lang buong magdamag? Agh! Hoy! Babae! Gusto ko mag-swimming sa dagat!” Niyugyog niya ang balikat ko, ah letse! nahihilo na ako sa pagkayugyog niya kaya pumiksi ako at binaon ang mukha ko sa unan. Iwinasiwas ko ang kamay ko.
“Ikaw na lang mag-isa na pumunta roon.”
BINABASA MO ANG
The Jerk's Babies! (COMPLETED+SAMPLE ONLY)
General Fiction[COMPLETE] She was drunk after the wedding ng kanyang best friend at dahil doon ay naibigay niya ang kanyang sarili kay Felix Xavier. Ang lalaking kinamumuhian niya. At dahil lang sa one night stand ay nagkaroon iyon ng bunga. Not just one and defin...