June 2018
"AAALLLEEXXIISSS!!!!" sigaw ko sa kaibigan ko nang makita sila sa labas ng gate.
Unang araw ng klase namin ngayon. Grade 11 na kami. Sa apat na taon na pagaaral ko simula highschool, dito pa rin ako mag-aaral sa Benigno "Ninoy" Aquino Hiigh School. Masyadong malayo kasi ang ibang paaralan sa bahay namin, at kinailangan ko ding mabantayan ang aking kapatid na dito rin nag-aaral. At ganoon din ang dahilan ng mga kasama ko ngayon.
Ang mga dati kong kaibigan ay sa ibang eskwelahan na nag aral kaya sila Alexis, Almaira at Adrian ang kasama ko ngayon. Pasalamat ko nalang na matagal ko na silang kaklase kaya may makakasama ako dito.
Si Alexis Dette Rivera ay kilala ko na noong grade 6 palang kami. Oh diba loyal kaming dalawa sa isa't Isa dahil tumagal kami ng taon. Hindi tulad niyo na di man lang umabot ng taon. HAHA!
Sina Almaira Anne Elceo at Adrian Jake Villaroman naman ay naging kaklase namin noong grade 8 na kami. Classmate ko na din si Alexis noon.
Bago kami mag hiwa hiwalay noong araw ng enrollment ay nag usap kami na maghihintayan kami para sabay kaming papasok sa aming room.
2 weeks earlier....
"Ang init!" reklamo ng isang babae sa harapan ko. Si Almaira
"Oo nga, ang haba pa ng pila. Ano ba itong pinila natin relief goods? Buti sana kung may pakain sila after nito. Eh wala naman!" Segundo ni Alexis.
"Sana kasi nagbaon nalang kayo ng pagkain at pamaypay, edi sana komportable kayo ngayon" sagot ko sabay abot ng isang sandwich at pamaypay kila Almaira at Alexis
Hindi sila natigil kaka- reklamo hanggang sa makapasok na kami sa isang room. Pagkapasok, binigyan kami ng tig-iisang form. Nang matapos naming sagutan iyon ay pinalabas kami at pumila uli.
Reklamo dito, reklamo doon. Daig pa ng isang construction worker kung magreklamo sa init si Almaira samantalang daig pa ng isang mahirap kung magreklamo si Alexis na nagugutom na siya.
"Hala, may inspection pa sa katawan?!" reklamo ko nang mabasa ang nakapaskil sa sunod na papasukan naming room na "Stage 4: Inspection Room"
"Ano naman kaya ang titignan nila sa katawan natin?" nagtatakang tanong ni Adrian.
"Be buti nalang di nakita yung cuetics ko, kung nakita to nako malamang hindi ako pasok"
"Hala, bawal may cuetics?"
"Oo be tsaka bawal din daw may tattoo sa katawan"
"Paano yan, meron ako"
Nagulat ako nang marinig ang bulong bulungan ng apat na babaeng dumaan sa gilid namin. Kinabahan ako sa aking narinig. Napatingin tuloy ako sa aking kuko at lalong kinabahan.
"Hay! Buti nalang final stage na to." Sabi ni Almaira
"Narinig ko sa mga babaeng iyon na bawal daw may cuetics at tattoo sa katawan" sabay turo sa mga babaeng dumaan kanina.
"Buti nalang wala akong tattoo. Balak ko pa naman magpalagay noong nakaraan" Sagot naman ni Adrian
"Buti nalang at hindi dahil malamang hindi ka makakalabas jan" sabay turo ni Almaira sa pintong papasukan namin.
"Be okay ka lang?" nagtatakang tanong sa akin ni Alexis nang makita ang reaksyon ng mukha ko.
"Mga be" sabay pakita ko sa kanila ng kuko ko.

BINABASA MO ANG
Escape from Love
General FictionA young girl prodigy becomes orphaned. There is a law of time that says that life is to be lived on, and that is what I surf for. I surf because it keeps me from getting into the ocean, which is what I would do if I could. But in the unexpected even...