"I'm sorry. Kailangan na nating maghiwalay. Hindi ko kayang iwan ako ng pamilya ko kaya I'm sorry. Hiwalay na tayo" huminga ako ng malalim bago ko klinick ang send button.
Naghintay ako sa magiging sagot mo. Wala akong pangamba dahil alam kong ipaglalaban mo ako. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi mo ko basta basta iiwan.
Nangako ako,
Nangako tayo.
Ngunit akala ko lang pala iyon..
Dahil gumuho ang lahat nang mabasa ko ang reply mong "Ok" ...
Ok? Yun na yun? Pumayag ka? Payag kang mawala ako sayo? Anong nangyari sa pangako? Napako nalang?.
Nangako ako, tayo...... na magsasama tayo hanggang dulo, Nangako ka na kahit mahirap lalaban tayo, Na kahit masakit, titiisin natin, Na kahit mundo ang makalaban natin, lalaban tayo.....
Nangako tayo nang magkahawak ang kamay....
Nangako tayo na nakatingin sa mga mata nating puno ng pagmamahal...
Nangako tayo nang magkayakap at takot na may bumitaw....
Nangako tayo pagkatapos ng sarap na nangyari sa atin...
Pero bakit bumitaw ka agad? Hindi na ba ako importante sa iyo? Hindi mo ba kayang harapin ang pamilya ko? Sa lahat ng nangyari sa atin, ngayon ka pa bumitaw?
Totoo nga ang kasabihang 'Promises are meant to be broken'.....
They say that it takes a lot of effort and time to build someone's trust...
Binigay ko ang lahat sayo. Pinagkatiwala ko sayo ang kaisa isahang bagay na importante sakin..
But it only takes one word to end it, ok.
That moment I thought that you are my first and last...
And yet the world surprise me with unexpected plot twist.
And I ask myself, 'Is this worth it?'
Nakakatawang isipin na hindi sumagi sa isipan natin na ito ang magiging ending natin...
Nakakatawang isipin na ang laki ng tiwalang ibinigay ko sa iyo...
Nagbago ako...
Hindi dahil gusto ko kundi dahil nagbago ka rin....
Nasanay tayo...
Nasanay tayo sa mga lumang gawain na sa tagal ng panahon ay napagod tayo at nawalan ng excitement sa isa't isa....
Nagkulang ako...
Nagkulang ka....
Wala sa ating dalawa ang naglakas loob na ayusin ang pagbabago...
Wala sa ating dalawa ang naglakas loob na magsalita...
Dahil natatakot tayong humantong sa hiwalayan..
Ngunit saan tayo dinala ngayon?
Masaya ako na masaya ka na....
At ang tanging hiling ko nalang na sana...
Sana ipaglaban mo siya hanggang dulo...
Dahil kahit na gusto kong bumalik sa iyo...
May lamat na ang relasyon natin...
Lamat ng nakaraan...
Lamat ng kasalanan...
Lamat ng pagmamahalan natin
BINABASA MO ANG
Escape from Love
General FictionA young girl prodigy becomes orphaned. There is a law of time that says that life is to be lived on, and that is what I surf for. I surf because it keeps me from getting into the ocean, which is what I would do if I could. But in the unexpected even...