Yumi's POV
Nakalabas na rin kami sa wakas. Iyak parin nang iyak si Bianca dito sa loob ng kotse.
Nasa labas kami ng morgue. Ayaw nyang pumasok.
I just rubbed her back. She obviously doesn't want to talk.
"I'll go get some water--"
"No, Yumi stay." Hawak nito sa kamay ko.
"I need you." Sabi pa nito.
Haaays.
..
Coleen's POV
Hindi ko parin mahanap ang phone ko. Andito ngayon ako sa room inaayos ang mga gamit ko.
"Kawawa naman si Bianca no?. Tuluyan na nga talaga syang iniwan ni Sky. Pero okay lang yun kasi ikanga ng mga matatanda, pag may umaalis may--" Malungkot na sabi ni Klaire.
Napaisip ako.
"Dumating na. Kasama nya na." Sabi ko.
..
Amy's POV
"Ayan na lahat ng kailangan mo, ba't di mo pa irelease?." Tanong ni Frances.
Tinititigan ko nalang kasi ang nakuha naming pictures na magkasama nina Coleen at Yumi dito sa laptop ko.
Palabas nako ng room nang,
"Amanda." Sabi ni Frances.
"Delete it." Sabi ko lang.
"What?." Takang tanong ni Frances.
"We're not releasing anything."
"Pero Amy--"
"May namatay na Frances. Ayaw naman siguro nating may sumunod pa diba?. Sige na, isasauli ko na to." Sabi ko. Hawak ko ngayon ang phone ni Coleen.
Umupo muna ako sa may cottage malapit sa beach.
I then texted Klaire's number na pumunta dito.
..
Yumi's POV
Ako na ang nagdrive. Nakabalik na rin kami sa wakas sa hotel pero iba na yung mga tingin samin ng tao, may iba pang kumukuha ng litrato at video.
Para ngang madaming dumayo sa hotel para lang makichismis.
I locked the door.
"Hey, don't worry. Aalis din yung mga yun." Sabi ko kay Bianca. Nakatulala parin ito.
"May kailangang managot." Seryosong sabi nito.
"B--"
"Yumi, help me. Tulungan mo kong hanapin kung sino mang may gawa nito." Mangiyak ngiyak na sabi nito.
"Andyan naman ang mga pulis, hayaan nalang natin silang gawin ang trabaho nila--"
"But we can't just stay here doing nothing. Kasalanan ko to eh, wala akong ginawa--" Sabi nito.
"Hey, don't say that. A lot of people were there na wala ring nagawa, lahat tayo nagulat. Walang may gusto sa nangyari. So, don't blame yourself."
"I should've told him sooner, I should've--" Iyak niya. Niyakap ko lang sya ng mahigpit trying to calm her down.
..
Sarah's POV
Nakita ko sa socmed na ansasama ng mga sinasabi ng mga tao sa dalawa.
Majority dun pinagbibintangan sila sa pagkamatay ni Sir Sky, may iba ding tinatawag silang salot at kung ano ano pang masasakit na salita.