Yumi's POV
Kumakain kami ngayon habang nanonood ng movie na parang di ko naman naiintindihan.
"Alam mo namang lucky charm kita eh." Sabi ni Dane sabay akbay sakin, tinanggal ko naman ito agad.
"Don't tell me natalo ka na naman sa sugal tsk. Dane, akala ko ba tumigil ka na dyan?."
"Promise last na talaga yun. Natanggal kasi ako sa trabaho ngayon eh, di ko tuloy mabayaran yung utang ko kay pareng Mike. Nagbabakasakali lang na makahulog within this week."
SILENCE
"Anyways, napanood mo na?." sabi pa ni Dane.
"Ang alin?." Takang tanong ko rito.
"Yung movie."
"Anong movie?."
"Yung about sa fake diary mo."
"No need. I know that's trash anyway."
"Grabe naman to. Basura talaga. Alam mo Meng, promise pag napanood mo masasabi mo sa sarili mo na ang galing mong writer, pati ako muntik nang maniwala eh." Sabi niya.
"Yeah right." Irap ko.
"Mamatay man peksman. Saka don't you think it's cool na maging movie yung dating pinapantasya mo lang?."
"Everybody thinks I'm crazy."
"Well, not me."
SILENCE
"Sige na, let's watch it." Pilit pa nito sakin pero siya na rin nagdesisyon kasi hinanda nya agad yung movie hanggang sa nagsimula na nga ito.
[ Bianca's POV
6pm. Kasama ko ngayon sa bahay ang best friend kong si Yumi habang sinesermonan ako ni Mommy.
"..ano bang nangyayari sayo ha Bianca?. Kung kailan graduating ka na ngayon ka pa nagloko!. Pano ka makakapasok nyan sa dream school mo kung puro syete to?!." Kuhaan na kasi ng report card.
"Gagawan ko nalang po ng paraan ma. Promise, babawi ako next quarter."
"Dapat lang. Ba't di ka gumaya dito sa kaibigan mo?. Palaging top sa klase. Bakit? Dahil di nagpapadistract sa mga lalaki.." Sabi pa ni mommy referring to Yumi.
"Sige na po ma, mag-aaral na po kami. Byeee." Sabi ko sabay tulak kay Yumi paakyat sa kwarto ko.
Napahiga nalang ako sa sobrang pagod.
"You know Bianca, your mom's right. Saka na yang boys, books muna."
"Pati ba naman ikaw Meng? Haaayst."
"The point is di mo dapat pinapabayaan ang pag-aaral mo dahil lang sa mga lalaki."
"Di mo man lang ba ako kakamustahin bago sermonan?. Yumi, Edric just cheated on me."
"So does all of your exes Biancs. I mean wala namang race, so ba't ka nagmamadali?. Chill lang, darating din tayo dyan."
"What if end of the world na bukas?. What if--" ]
"Are we seriously gonna watch this sht?." Sabi ko.