Bianca's POV
I remember that I started writing these nung 8th grade kasi pinagawa kami ng teacher namin sa Values Ed. Sulat daw kami ng letter for our most favorite person in the world, and Yumi was mine.
Actually, twenty letters lang yung pinapasulat at ipinapasa samin kaso masyado nakong nasanay sa pagsusulat nun hanggang sa nagtuloy-tuloy yun kahit na nung umalis na si Yumi.
Yung first twenty letters ko for Yumi andun na sa teacher namin, di na nabalik pero eto nga mabuti nalang may natira.
Kinuha ko ang isa binasa ito.
Dear Yumi, di mo alam kung gaano ako kaproud sayo ngayon. You're top of the class again. Minsan nakukumpara ako sayo ni Mommy pero it's okay, I'm trying my best naman. Sana magkalovelife ka na para di ka na masyadong bitter lalo na pag may nakakausap akong guys. I know naman na concern ka lang sakin, pero wag mo naman pasobrahan kasi mamaya nyan isipin ko na na may gusto ka sakin. Joke lang. Bakit di mo nalang kasi bigyan ng chance si Arki?.
I took another letter.
Dear Yumi, pangarap ko talaga dati na maging abogado kaso ewan ko ba, parang bigla nalang nag-iba ang ihip ng hangin. Posible palang magbago ang pangarap ng tao. At alam mo ba, isa sa mga pangarap ko ngayon ay ang magkaayos tayo. Bumalik ka na Yumi. Miss na miss na kita :'(
Then another letter.
Dear Yumi, alam kong gandang-ganda ka ngayon kay Heart at parang nagkakamabutihan na kayo, at masaya ako na masaya ka. Kaso lang lately, napapansin ko na parang may nagbabago sakin na di ko maipaliwanag. Naiinis ako Yumi sa di malamang dahilan. Para kasing pakiramdam ko kinukuha ka niya sakin. Pero pilit kong sinasaksak sa isip ko na kaibigan natin si Heart at napapasaya ka niya. Mahal rin ako ni Elmo at napapasaya niya ko, pero kung ikukumpara sa kung pano ako kasaya na kasama ka kahit wala kang sinasabi o ginagawa, sobrang layo. So, maybe what happened to us that night is not just a mistake. Maybe a part of me really wanted that to happen.
Dear Yumi, we did it again. Should I feel guilty about it?. Masama na ba akong tao if I'm starting to love being touched by you?.
Inhale exhale.
Sinulat ko ba talaga to?.
Tok tok tok
"Bianca--" Tawag ni Mommy sakin. Dali dali kong tinago ang mga letters at box.
"Bianca, anak--"
"M-ma." Sabi ko sabay punas ng pawis ko.
"Lumalamig na yung pagkain sa baba. Kumain ka na." Sabi ni Mommy tila nag-aalala.
"O-opo. Tara po, sabay na tayo." Sabi ko, forcing a smile.
..
Yumi's POV
Pinagbuksan ko sya ng pinto at di ko inaasahang makita si Heart.
"W-what are you doing here?." Medyo gulat kong sabi rito.
"Don't worry, nagpaalam ako kay Coleen." She said politely.
Pinapasok ko nalang sabay sara agad ng pinto bago pa may makakita samin.
"H-how is she?." Tanong ko kay Heart, referring to Coleen.
"I don't know what you did but I just hope that this has nothing to do with Bianca." Seryosong sabi nito.
SILENCE
"And about the past, I'm sorry kung iniwan kita sa ere. I was figuring things out back then and I thought that I could learn to love you the same way you wanted. I was too embarrassed because it seemed like I played with your feelings which I'm clarifying now that it was never my intention. I know this is not the perfect time pero kailangan Yumi eh. I need to tell you this. We never had the closure we needed for a very long time and--" Sabi niya pero nagsalita ako,
"Because we don't need one. Heart listen, di mo kailangan magsorry okay?. Kahit di mo sabihin sakin mauunawaan ko parin, kasi ikaw yan eh. Ikaw si Heart. Ikaw yung nakilala at minahal ko. Kung di man tayo nagwork dati, it's not your fault kasi I shouldn't have pressured you to be in that situation in the first place. At saka kung di dahil sayo, Coleen and I won't happen."
"But now you lost her." Sabi ni Heart.
Napaisip ako.
..
Coleen's POV
Kumakain kami ngayon ng lunch with the casts and crew.
"Sigurado ka bang di magsasalita yung mga yun?." Bulong sakin ni Klaire.
"Well, sa industriya natin mahirap magtiwala. Ang inaalala ko lang naman eh si Yumi."
"Matapos ka nyang--"
"Klaire, oo nagkamali siya pero di naman yun dahilan para gustuhin kong masaktan siya."
"Mahal mo pa?."
"Oo naman. Di naman basta bastang nawawala yun."
"Eh pano kung makipagbalikan sayo?."
Napaisip ako saglit.
"Di na siguro."
"Kahit sobrang mahal mo pa?."
"Anong magagawa ng pagmamahal ko sa kanya kung ang buhay niya laging natataya because of me?."
"Feel ko talaga yang si Yumi Garcia pumatay dun kay fafa Sky." Sabi ni Carding. Isa siya sa mga make up artists na andito.
"Pano mo naman nasabi?." Tanong ni Hermie, isa namang hairstylist.
"Aba malamang para magkasama na sila nung Becka." Sabi ni Carding.
"Bianca." Correct ng kasama din naming artista na si Ate Gia na pinsan ni Gabo sa film.
"Alam nyo, sa akin lang to ah. Pakiramdam ko naman inosente yung dalawa. Saka antanga naman kung pinatay nung Yumi yung fiance nun ni Bianca dahil lang sa usap usapang may past talaga sila. Masyadong obvious yun pag nagkataon. Syempre, sila yung magiging prime suspect. Saka para ngang mas suspicious yung Dad nung biktima eh." Sabi pa ni Ate Gia.
"May girlfriend daw yung si Yumi eh pero di pa nila alam kung sino." Sabi ng bumisitang kaibigan ni Ate Gia na TV host na si Ate Sela.
Napatingin saglit si Klaire sakin.
"Eherm uhm enough with the topic about death guys, nakakawalang galang lang kasi sa pagkain." Sabi nalang ni Klaire kaya ayun nagchange topic nalang sila.
..
Bianca's POV
Pagkatapos kong kumain ay naghugas ako at bumalik na rin sa kwarto. Nagpaalam naman si Mommy na aalis siya para mag-grocery.
Nagkulong na muna ako sa kwarto.
Bigla na namang nagpop sa isip ko yung nangyari kay Sky. Bakit? Bakit sa kanya pa?. Bakit di ko siya kinausap kaagad?. Tsk.
To distract myself, I took the box again under my bed kaso parang ibang kahon ata ang nakuha ko. May nakadikit itong note sa labas kung saan may nakasulat na TO: BIANCA, FROM: YUMI.
Kailan pa to?. Sinubukan kong buksan pero may passcode combination eh. I tried our birthdays pero it didn't work. Ano ba to?. Pano ba to buksan? Haaaays.
Yumi talaga, hanggang ngayon pinag-iisip pa rin ako.