PROLOGUE

84 3 0
                                    


“Where am I?”

Madilim ang paligid wala akong makita dahil sa kagigising ko palang. Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko, at nagmamanhid ang mga braso at binti ko.

Naramdaman ko na may tila gumagapang sa aking hita. Nanlalabo man ang aking paningin ay pinili kong aninagin.

Naitulak ko siya nang marealize ko na ang mga palad nito ang siyang nakalapat sa legs ko. Unti unti na rin nagliwanag ang paningin ko at nakita kung sino. Isa itong babae, hindi ko alam kung ano ang mga nakaano sa suot and nakapalibot sa katawan, braso at binti nito ngunit masasabi kong isa itong katutubo.

Nagulat ako sa paglapit nito, hindi ko alam kung mahihiya, maiilang o matatakot nang napansin kong inaamoy ako nito. Mataman nitong hinahawakan ang hibla ng buhok ko, tila napakahalagang bagay kung hawakan at samyuin.

Mas lumapit pa ito, since nakahiga ako ay hindi ko na nagawang lumayo. Dahan dahan na dumadausdos ang tungki ng matangos nitong ilong sa pisnge ko, at nag init ang mukha ko nang bumaba ito sa leeg ko. Nanghihina pa man, ay nagawa kong iharang sa pagitan namin ang kamay ko. But maling desisyon ata ito nang mapansin kong dibdib nito ang nahawakan ko. Ako na ang nailang at muling binawi ang sarili kong kamay, compare sakin- sa kanya ay parang wala lang iyon.

Sa ngayon ay naaamoy ko na rin ang natural na amoy nito, masasabing napakabango ng babae na to. Hindi ko alam but nahiya ako ng marealize kong nabanguhan ako sa kanya.

Bigla akong natuod ng dumampi ang labi nito sa leeg ko, hindi ko alam but may kung anong bagay na biglang nag painit ng lugar na ito. Lumalabo rin ang paningin ko sa di ko masabing dahilan.

"ተመልሰሻል የኔ ንግስት (temeliseshali yenē nigisiti)" Mayuming bulong nito sa language na hindi ko rin maunawaan.

Stuck With The Harami Queen - GXG INTERSEX (New On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon