two: 3am

20 2 0
                                    

3:19 A.M.

Like my brain is hardwired to detect your presence, I wake up with the sound of your car engine as you are pulling up outside my house. Hindi na muna ako bumangon, tumagilid lang ako ng higa para pakiramdaman ka kasi gaya ng sabi ko kanina, may susi ka nitong bahay. I don't need to get up and welcome you. You just have to let yourself in.

Pero lintik ka talaga. Kumalabog 'yung mababang gate ng bahay ko at hindi ko kailangang manghula kung ano'ng ginawa mo.

"Echo," walang magawang buntong-hininga ko na lang bago tumayo sa higaan.

And let me tell you this: you are absolutely crazy for climbing the gate instead of unlocking it like what every normal person will do. Baliw ka talaga. Kung singilin kaya kita ng pampagawa nyan kung masira mo 'yan, ano?

Pababa na ako ng hagdan no'ng bumukas ang pinto at pumasok ka—malaki ang ngisi at agaw pansin ang bitbit mong /mga/ paperbag galing McDo.

Hindi ko na iisipin pa'no mo natalon ang gate ko nang may hawak kang mga ganyan.

Pasado alas-tres ng umaga, pinasasakit mo sentido ko talaga, Echo.

"Baaaax!" ang masaya mong tawag sa akin. Sa paraan ng pagtawag mo, iisipin ng makakarinig na ang tagal nating hindi nagkita.

"Bax, Bax! Good morning!"

Gago. Ang lakas talaga ng boses mo. May mga kapitbahay ako? "Echo, babaan natin."

D'yos ko, wag mo akong paandaran ng pagpapa-cute mo. Hindi ka cute.

Hindi ko pinansin ang pagnguso-nguso mo at nanguna na lang papunta sa couch sa maliit kong living room. Sixteen years na tayong magkaibigan, do you think tatalab sa akin 'yang pag-nguso mo? Crazy.

"Di mo ba ako na-miss?"

Parang tanga ng tanong.

"Hindi."

Hindi naman ito 'yung unang beses kang umalis at hindi nagparamdam nang ilang linggo kaya sanay na sanay na ako sa'yo.

Don't get me wrong, though. Hindi sa totoong hindi kita naiisip o naaalala sa mga araw na wala ka. You occupy my thoughts most of the time but I am also well aware how important your escapades are to you, your creativity, and productivity.

All is well.

Humihikab na inantay na lang kitang maupo sa tabi ko sa couch. "'Nu yang dala mong food?"

"The usual lang. Big Mac, BFF fries, sundae, sweet iced black coffee, coffee float," ngising-ngisi ka na naman. Ang saya-saya mo, may ginawa ka na naman ba?

"Duda ako dyan sa ngisi mo. Ano pa laman nitong mga paperbag?"

"Ketchup! Maraming-maraming ketchup number 4," sabi mo na inalog-alog pa ang isang maliit na paperbag bago mo 'yon binuksan at binuhos sa center table. "Dyaran!"

"Oh my gods, nag-hoard ka na naman ng ketchup!" Hindi mo ba alam na punong-puno pa 'yung isang mason jar sa kusina ng mga huling hinoard mong ketchup?

"Para hindi ka mauubusan," sabi mo sabay salampak ng higa—oo, higa. Ano ako unan mo? "Baaaaax, na-miss kita. Walang Baxter sa Zambales."

You always say that every time you're back.

"Aw!" Oo, hinampas ko noo mo. Nanggigigil ako sa'yo, eh.

"Wala talagang Baxter doon kasi nandito ako. Kapag ba may nakita kang kagaya ko kung saan man, di ka na babalik dito?"

Brain to mouth filter, bakit ngayon ka pa hindi nag-work?

"Gago ka ba? Nag-iisa ka lang sa mundo, Baxter Agustin."

Cheesy mo. Kilabutan ka nga.

Pasensya na sa mga pisngi mo, sila na naman napagbuntunan ko ng gigil.

Ikakain ko na lang 'to ng fries at iinom ng kape.

"Ano na nga 'yung kwento mo?" tanong ko habang iniiwas mapunta sa ulo mo 'yung mumo ng pagkain. "Bagong plot ng bagong novel ba 'yan? Anong genre this time?"

"Mystery-Romance? I am not sure about the romance part. Multiple universes crashing into one? Destiny having its cruel fun of playing with people's hearts, Bax. Kasi, you know how we always say na malupit ang tadhana? This is that story, Bax," usal mo na titig na titig na sa kisame ng bahay ko.

Alam mo ba kung ano'ng hitsura mo right at this very moment? Echo, you have this look on your face whenever you start weaving stories after stories. It's like... you're staring into nothing but seeing exactly what you have in mind on my dusty ceiling. Kumikislap ang mga mata mo sa pinaghalong pananabik at pagkamangha. Nahahaluan din ito ng lungkot at sakit para sa kwentong nais mong iparating.

You are immersing yourself in your unnamed characters' world.

"Gusto kong mapakita 'yung magic, 'yung mystery. Na hindi alam mo 'yun, Bax? Na hindi lang nagre-revolve ang love sa happy endings at heart breaks. There's more into it than that, gets mo ba ako? Gusto ko ipakita na meron pang ibang klase ng love, Bax."

Uh-huh.

"Okay, Robert Sternberg," sambit ko na iniumang sa bibig mo ang isang piraso ng fries. Kinagat mo naman iyon at mabagal na nginuya. "Go on."

"Fantasy. Definitely fantasy," usal mo na tumango-tango pa. "There should be a place where everything will start."

"Forest?" Sorry, fairies and leprechauns pumasok agad sa isip ko.

"Hindi, eh. It doesn't feel right? Destiny should exist everywhere in the most random of places… setting… random places… random…"

I reach for the iced coffee and take a sip. Agad ko rin 'yung nailayo nang malasahan. "Blergh! Saang McDo ka ba bumili. Asukal ba 'to na may kaunting kape?"

"Kape!"

Tarantado! "Echo naman!"

Bigla-bigla kang tumatayo, natapon tuloy sa atin yung kape.

But of course, wala kang pakialam kahit nanlalagkit na tayo pareho. You just keep on pacing back and forth, making wild gestures with your arms and hands while you ramble about the story inside your head.

How does it feel to live there?

"Kape. Coffee shop. Of course, it has to be a coffee shop. Somewhere small and hidden pero pinupuntahan pa rin ng mga tao kasi it's all about the feels! Excellent coffee, tea, pagkain and desserts… homey… pwedeng maging romantic… on gloomy days, it offers comfort but it also witnessed lots of pain from its customers… coffee shop… where destiny will guise itself and do its thing…"

Kumabog ang dibdib ko habang pinapanood at pinapakinggan kita. Sa kaba? Pero bakit ako kakabahan?

Shing! Shing!

"Wait—"

Huminto ka sa pagpaparoo't parito, namaywang at tumingala sa kisame.

Ano na namang iniisip mo?

"Bakit hindi ko kaagad naisip?" natatawa mong bulong habang napapailing ka pa. "I don't have to think so hard. Tanga mo talaga, Jericho."

Okay…? Sige lang, mag-isip ka dyan.

Nasaan ba 'yung mga tissue? Ang lagkit ko na talaga. Napakaligalig mo kasi.

"Ay, putsa! Jericho!"

Mukha kang tanga na ngiting-ngiti nang bigla mong itapat ang mukha mo sa akin.

Tang—masyado kang malapit.

Diretso ka ngang nakatingin sa akin pero base sa kislap ng mga mata mo, you are still deep into your thoughts. "Bax! Coffee shop!"

"Okay?" Ano bang meron sa coffee shop? Sana alam pa natin ang konsepto ng personal space, Echo.

"Open ba for hiring ang Indelible, Baxter? Hire me, Boss?"

You are absolutely, no doubt, and not-up-for-an-argument kind of crazy.

of conundrums and you (brightwin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon