four: break

40 1 0
                                    

Dapit-hapon nang magsimulang dumagsa ang tao sa café. Uwian at may mga nagpapalipas ng traffic. Sa dami ng tao, halos hindi namin kayanin ni Demeris ang pag-aasikaso. Buti na lang at dumating din kaagad 'yung dalawa naming part-timers kaya may mga nakatulong kami. Hindi na nga ako nakasulyap man lamang sa'yo kaya pasumandali kang nawala sa isipan ko.

"Kaya pa ba?" tanong ni Eris nang dumaan siya sa bandang likuran ko.

"Laban pa," nakangiting sagot ko, inaabot pabalik ang credit card na ginamit ng isang customer.

"Yung alaga mo, di na kinaya," aniya na bahagya kong ipinagtaka pero nang inginuso ka niya at nakita kong tulala ka na lang sa harap ng laptop mo, naintindihan ko kaagad.

You are stuck somewhere in the world that you are creating inside your head.

"Go to him. Kaya na namin dito," sabi ni Eris na tumayo na sa tabi ko para palitan ako sa pagbabantay ng kaha. "Minsan ako ang natatakot pag ganyan ayos nyan ni Echo."

"Baliw," sagot ko lang habang kinakalas ang pagkakatali ng apron na kanina ko pa suot. "Sure kang kaya nyo na muna dito? Sandali lang ako."

"G na, Boss."

May kinuha muna ako sa cabinet sa ilalim ng cash register bago ka puntahan. Gets ko 'yung sinabi ni Eris na nakakatakot ka kasi kulang na lang mabutas ang screen ng laptop mo sa instensidad ng titig mo dyan.

"Echo," tawag ko sa'yo na hindi mo agad pinansin. "Yosi?"

"Black?" walang buhay ang boses na tanong mo. Napatingin tuloy ako sa orasan at noon ko lang na-realize na, oo nga pala, halos mag-a-alas sais na rin pala ng gabi at kaninang umaga ka pa nakatutok sa ginagawa mo.

You must be drained already.

"Blue. Tumayo ka na dyan."

Paglabas natin ng shop ay agad kong inabot sa'yo ang isang stick ng sigarilyo bago ako kumuha ng sakin, sindihan iyon at iabot naman ang lighter sa'yo. Napangiwi ka pa sa unang hithit mo.

“Para akong naninigarilyo ng toothpaste,” reklamo mo na ikinairap ko.

“Ang arte mo, yosi pa rin naman yan. At the end of the day, bawas pa rin ang lifespan mo dahil dyan,” sabi ko na nakatingin sa nagbabagang dulo ng hawak kong sigarilyo.

“Wow. Thank you, Lord of death.”

“Whatever.”

Siguro nakakatig-dalawang stick na tayo na wala man lamang ni isang umimik pagkatapos no'n. Patingin-tingin ako sa'yo habang ikaw, nakasandal lang sa may pader at nakatingala.

I sigh.

“Nasaan ka?”

You just hum and glance at my way. My eyebrow twitches in question.

“Saan ka kako nakarating with your thoughts?”

A lazy smile forms on your lips. “In the same place where I started.”

See? Ang hilig mo akong bigyan ng malabong sagot. Kapag sinabi mong nando'n ka pa rin kung saan ka nagsimula, ibig bang sabihin no'y nasa blankong dokumento ka pa rin o isang salita pa lang naisusulat mo? 

Context, Jericho. Bigyan mo ako ng konteksto kasi, hindi kagaya mo, wala akong alam sa kung paanong umiikot ang mga salita sa loob ng isipan mo.

As if you can read my thought, na sobrang labo talaga, pramis—you pointed inside the café using your half-lit cig while puffing out a smoke. "'Di ako umalis Bax. Nasa loob lang ako ng Indelible."

Ah.

"And there are lots of stories inside of it, Bax. I paused kasi sobrang daming kwento na sabay-sabay na pumapasok sa utak ko and all of them are sad. It's heavy and destiny is playing with them. It's frustrating me lang talaga… I just—" 

'Yung buntong-hininga mo na yata ang pinakamabigat na narinig ko ngayong araw na 'to. Para kang pagod na pagod.

"—I want to give all of them a happy ending. Alam mo 'yun, Bax? Masyado silang malungkot. Hindi nila deserve mapaglaruan ng tadhana. Parang ang gago ko lang kung hanggang sa huli malungkot sila."

Oo, alam ko.

Palagi kang ganito, alam mo ba? You always empathize too much with your stories. Lagi mong inilalagay ang sarili mo sa sapatos ng mga tauhan sa mga kwento mo. 

It's like they are you and you are them. 

At kung malungkot ang mga tauhan sa kwentong isinusulat mo ngayon, malamang na dadaan din ang maraming araw na malungkot ka rin. 

"Echo."

Hinga.

"Isa pang stick?"

I need to remind you to breathe.

"Do you want to know them, Bax?"

Kinuha mo mula sa akin ang kaha ng Marlboro at malayo ang tinging kumuha ng isang stick mula doon. Pinanood lang kitang paglaruan ang stick ng yosi sa pagitan ng mga daliri mo na para bang sinusukat mo sa pamamagitan no'n ang haba ng kalungkutan ng mga karakter sa mundong binubuo mo.

"Sino sila?"

Isang malaking ngiti ang ibinigay mo sa akin. 'Yung ngiti na para bang hindi ka mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa kanina lang. 

Weird. You're so weird, Echo. You've always been weird.

But I'm willing to listen.

Go on, introduce me to another world.

Makikinig lang ako sa'yo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

of conundrums and you (brightwin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon