three: chaotic

13 1 0
                                    

"NO, DOON ka lang sa cash register. Please, pakiusap na lang. 'Yan, dyan ka lang! Don't move!"

"Pero paano ako magtatrabaho, Eris?"

"Huwag ka kikilos sabi, eh. 'Yan na trabaho mo."

Para kang tutang nasipa sa paghaba ng nguso mo nang ipagtabuyan ka ni Demeris palabas ng kusina at iharap sa kaha, sa tabi ko. Kung hindi ko lang alam na magtatampo ka talaga, tatawanan ko 'yung mukha mo ngayon kasi kitang-kita ko sa mukha mo kung gaano mo kagustong makigulo sa ginagawa namin sa café.

But knowing you and your attention span? It will wane soon and you will focus on your goal kung bakit ka nandito.

Buti na lang hindi gano'n karami ang tao dito ngayon kaya sige lang, dyan ka lang. Tumulala ka lang dyan habang nagbabantay ng cash register.

"Bax," tawag mo sa akin habang inaayos ko ang display ng cakes sa estante. Hindi ka pa nakontento, kinalabit mo pa ako. Sunod-sunod. "Baxter."

"Ano ba 'yun?"

"There's nothing interesting here."

Napairap ako at nakapamaywang na hinarap ka. Hindi ko alam kung dapat ba ako mainsulto sa sinabi mo o kung dapat kaltukan na lang kita. "Ulitin mo nga sinabi mo?"

Pero hindi ka sa akin nakatingin.

"Would you believe that there's a conundrum in mundanity?"

Nakatuon na ang pansin mo sa mga taong nakatambay sa loob café, ang malilikot mong mga mata ay nagsusulsi ng mga eksenang nagpapakislap sa mga ito.

"Look at these people inside the café… that college girl on the corner with papers in front of her. Typical na nagka-cram sa thesis na estudyante. That guy wearing a blue polo? Fresh grad na jobseeker. He ordered the cheapest drink from the menu, nandito para maki-WiFi. Ito, ito—'yung inabutan ni Demeris ng kape na may tatlong shot ng espresso. Ilang araw na siya di natutulog at, I bet, kape na ang dumadaloy sa ugat niya."

"Hmm. Insomnia?"

"Artist. Nagsusulat ng komiks."

"Very specific."

"People are a bunch of specified riddles, don't you think so?"

Tuluyan ka na ngang nawalan ng interes sa trabaho sa loob ng café. Pumwesto ka sa mesa kung saan tanaw mo ang pagpasok at paglabas ng mga tao. Sa harap ng laptop, notebook, at lapis mo, walang tigil ang paghahabi mo ng mga salitang nagmumula sa utak mo.

Once in a while, in between customers and strangers' smiles, I throw you a glance and sigh as your eyeglasses hang awkwardly low on the bridge of your nose. Sigh once more in confusion as your eyebrows scrunch together as if in anger. Sigh again when I catch you almost dozing off in the middle of the day.

"Eris, pakidalhan naman ng iced coffee si Echo doon," ani ko sa kaibigan sa ikalimang hikab mo. "Samahan mo na rin ng isang plate ng pasta. Di pa 'yan kumakain."

"Copy, boss."

Kung inilingan man ako ni Demeris, hindi ko na lang iyon pinansin. Mas lamang kasi na makitang magliwanag ang mukha mo noong ilapag niya 'yung mga pinadala ko sa mesa mo.

When you are trapped in the world that you are creating, nalilimutan mo kung ano at sino ang mga nasa totoong mundo. Kailangan mo lagi ng hihila sa'yo pabalik sa realidad.

Sigh.

Alam mo ba, Echo?

You speak of conundrums and yet you are all of the conundrums I know.

of conundrums and you (brightwin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon