It's been two weeks since Nikki's party. Nothing changed, actually. After that night, bumalik na uli sa dati ang lahat. Kaka-exam lang namin last week pero grabe na agad mag-bigay ng bagong gawain ang mga profs. Balak na ata talaga nila kaming patayin eh.
Some of my block mates decided to eat in the cafeteria. Inaya nila si Nikki mag-lunch kaya naman inaya na din nila ko nang makitang ako ang kasama ni Miss Social. I awkwardly ate while they are chatting about something that I can't relate. Puro tawa lang nila ang naririnig ko dahil sa joke nung bakla naming kasama. Nasa pinakadulo ako ng lamesa nila habang tinitignan silang nag-eenjoy. I felt out of place.
Minsan nga napapaisip na lang ako. Paano kaya kung katulad ako ni Nikki? Marami din kaya akong kaibigan?
I sighed and continued eating.
Isang oras pagkatapos ng kainan at chismisan, bumalik na kami sa room namin. Inilabas ko ang libro ko sa biochem at nagsimulang mag-review. Ganito ako lagi sa room. I remember before, Nikki said that my classmates are afraid to approach me. Akala kasi nila mahirap akong pakisamahan. They even thought that I'm a nerd, which is not true. Si Nikki ngang loka-loka, napakisamahan ko eh. Sila pa kaya?
I didn't bother to correct their claims. Parang nagsayang lang din ako ng laway. Di ko din naman sila trip maging kaibigan. I chuckled.
"Guys!" Pumunta sa tapat ng prof's table yung coordinator ng section namin. "Wala daw muna tayong class sa Biochem. But---"
Agad na naghiyawan ang mga kaklase ko. Napa-yes din ako in my thought.
"Wag kayo masyadong magpakasaya. Ma'am Achillar said that we need to go to the auditorium para makinig sa seminar ng anak ng presidente ng school. Required toh kasi gagawin nyang quiz yung attendance natin. Kaya wala munang uuwi!"
Umani naman ng samot-saring reklamo ang mga kaklase ko. Napa-face palm na din ako pero mas mabuti nang umattend kami kesa naman mag-quiz diba? Lugi pa ba kami dun?
I immediately fix my things and went to the gymnasium. Pagpasok namin ay marami nang studyante ang naka-upo sa assigned seat nila. By program ata ang pila at ayos ng mga upuan.
Hinatak ako ni Nikki nang may makita syang placard na "MEDTECH". Umupo kami banda sa may gitna pero dulong upuan yung pinili ko para di masyadong mainit. Nag-antay lang kami dun magsimula ang seminar. While waiting, I just read some notes parin. Wala pa namang ginagawa kaya might as well magreview na rin ako sa ibang subjects.
"Ano ba yan sis? Hanggang dito, pag-aaral parin ang inaatupag mo." sambit ng bestfriend ko.
"Ang boring kasi, sis. Wala akong magawa kaya magbabasa na lang ako." Natatawa kong saad.
Inirapan nya lang ako na lalo kong ikinatawa. Typical Nikki. Ayaw nyang nakikita akong nag-rereview kasi natataranta sya kapag wala syang ginagawa tapos ako, meron. Feeling nya kasi babagsak sya. Infairness, sya lang kilala kong grade conscious pero tamad mag-aral.
Napailing na lang ako at tinuon ang aking mga mata sa stage nang mag-mic test yung dean namin.
YOU ARE READING
Catastrophically Inlove
RomancePARALUMAN SERIES #1 Letitia Rina Cabrera was forced by her parents to take a med course even though she wanted to be a singer. Because of her insecurities, she just focused on maintaining her title as a Dean's lister. Her life is devastated when a...