"My jacket looks good on you."
Halos iumpog ako yung ulo ko sa headboard ng kama ko.
Nakakahiya! Nakita nya pang suot-suot ko yung jacket nya! Sure akong nakita din yun ng mga kaibigan nya! Kaya siguro sila nagtatawanan.
Napatili ako sa unan nang paulit-ulit kong naririnig sa isip ko yung sinabi nya kanina. Napaka-simple ng sinabi niya pero bakit ang lakas ng impact nun sakin?
Mga 7:00 PM ay nakauwi na kami ni Kuya Steven at sa kabutihang palad ay wala pa sa bahay ang mga magulang namin. Napatawa kami nang sabay kaming mapabuntong-hininga. Alam nya din kasing di ako makakatakas sa sermon kung sakaling abutan nila ng ganito ang kalagayan ko. Mukha akong dugyot.
After we ate dinner, We said our goodnights to each other and entered our respective rooms. At dun ko lang din naalala na suot suot ko pa pala ang jacket ni Kiel. Amoy na amoy parin ang panlalakeng pabango nilagay nya dito. Jo Malone. Parehas sila ni Kuya ng pabango.
I sat at my couch here in my room. I looked at the side table at nakitang nandun ang payong at jacket na pinahiram ni Kiel sakin. Nakakastress isipin na may dalawang gamit na syang napapahiram sakin eh hindi nga kami close?
Bakit ba ang dami kong reklamo? Sya na nga tong nagpahiram.
Should I pay for his kindness? Kaso, paano naman?
I took out my cellphone from my bag when I finally thought of an idea kung paano ako makakabawi sa kanya.
I dialed Nikki's number. Siya lang naman ang mahihingan ko ng tulong at tanging sya lang din naman kasi talaga yung kaibigan ko. Luckily, kilala nya si Kiel.
"Hello, my pretty sissy!"
Ayan na. Binola na ko. Akala nya ata nakalimutan kong iniwan nya ko kanina dun sa Gym.
"Pretty ka dyan? Gusto mo injection-an kita ng pancuronium bromide?" sabi ko at tumaas ang kilay.
"Gaga! Wag naman! Ang ganda ganda ko naman para maagang matsugi!" maarte nyang sabi.
"So bakit ka naman napatawag?" takang tanong nya.
"Do you have Kiel's number or do you know kung anong fb account nya? Or other ways to contact him? Need ko lang sana syang makausap." I said.
There was a moment of silence occured. Tinignan ko uli yung phone baka na-end. Pero on-going pa din naman.
"Hello? Huy, Nikki. Andyan ka pa ba?"
Agad ko namang nailayo ung phone sa tenga ko nang bigla itong sumigaw. "Kyaaaahhhhhhhhhh!"

YOU ARE READING
Catastrophically Inlove
RomancePARALUMAN SERIES #1 Letitia Rina Cabrera was forced by her parents to take a med course even though she wanted to be a singer. Because of her insecurities, she just focused on maintaining her title as a Dean's lister. Her life is devastated when a...