iv: hindi

0 0 0
                                    

Hinahanap ang sarili ngunit ‘di na kakayanin
Sa ligaw na dinadaanan ko
‘San na ‘to patungo?
‘San na ‘ko patungo?

Ako Naman Muna|Angela Ken

0.4/hindi
gusto lang kitang kausapin
tungkol sa mga bagay na
hindi ko kayang sabihin sa iba.

pero sabi mo mula noon na
hindi pwede, hindi maaari,
hindi mo kaya.

hindi mo kayang lumabag
sa isang batas na
ikaw mismo ang gumawa.

gusto kong tanungin mo ako,
kamustahin o alam ang lagay ko.
dahil baka mabaliw ako kaaasa.

GalaxyWhere stories live. Discover now