| CHAPTER 2 |
***
His jacket is exactly the jacket of the one who bumped on me. Seriously!?, siya?. Sa dinami rami ng tao sa mundo siya pa talaga ang nakabangga sa akin. Umikot ako paharap at dire-diretsong naglakad papunta sa pinto kung saan siya nakatayo.
" hoy ikaw!" galit kong tawag sa kanya.
He looks confused pero nawala iyon kaagad." what about me?.. " He asked in a deep voice " miss sofia?"
May patanong tanong ka pang bonak ka.
"What about you?" I mocked " well, ikaw lang naman yung nakabangga sa akin kanina. hindi manlang tumigil para humingi ng sorry o di kayay tignan kung okay lang ba yung binangga mo!." Walang preno prenong sabi ko. Kailangan ko pang tingalain siya dahil sa angking taas niya nangangawit tuloy yung leeg ko.
Galit ako sa kanya!.
He looks really confused and amused by my sudden outburst, palipat lipat ang tingin niya sa aking mukha at sa kanyang jacket na aking hinahawakan ngayon... parang hindi niya alam ang mga pinagsasabi ko.
Seriously?!. Bonak siya.
Yung kilig na naramdaman ko kanina napalitan ng galit ngayon. Humakbang siya papalapit sa akin halos isang hakbang nalang ang pagitan at magdidikit na ang aming mga katawan. With his sudden move naghuhuramentudona naman ang litseng puso ko.
Oy heart , kalma lang oy dapat galit tayo.
"Oh Okay, Sorry for the trouble i caused.." He bite his lips. "Hindi ko alam na ikaw yung nabangga ko kanina." He apologized pero parang hindi naman sincere.
" will you give me back my jacket?. May importante pa akong pupuntahan" .
Marunong rin pala siya mag tagalog mabuti naman akala ko hindi." edi wow, ikaw na ang may importanteng pupuntahan." Sabi ko sa kanya at inirapan ng bongang bongga.
Padabog kong ibinigay ang jacket niya at itinulak papaalis sa apartment ko. Before he left I saw him smirking at me.Bwiset!.
Infairness ang bango ng jacket niya, amoy mayaman... Saan kaya siya nakabili ng ganong pabango?.
Teka nga bakit ko ba siya pinupuri eh galit ako sa kanya.
Nang gabing iyon hindi mawala wala sa isip ko ang Caden na yon. Naiinis ako sa kanya na parang ewan. Hindi ako makatulog ng gabing iyon kahit ilang subok ko nang ipikit ang aking mga mata. Legend says if a person can't sleep, merong isang tao na umiisip sa kanya or you are awake in somebody's dream.
Kung sino man ang umiisip sa akin ngayon papakasalan ko talaga siya. Kainis!.
Pabiling biling lang ako sa higaan ko gusto ko nang matulog pero hindi talaga ako makatulog.
Kainis naman o maaga pa ako bukas.THE next day is like the same, i did my usual routine. Na late nga lang ako sa klase dahil hindi tumunog ang magaling kong manok .. ay este alarm clock pala.
" Good morning s-sir " nauutal kong sabi, gusto ko nalang lumubog sa lupa dahil sa kahihiyan ngayon, terror pa naman ang professor naming ito.
" good morning ".
Dali dali akong pumasok at umupo sa aking upuan.
" hoy bakit late ka ngayon? " siniko ako ng aking kaibigan. Ano bang isasagot ko sa kanya?
"Ah traffic kasi.. "palusot ko na hindi naman talaga makatotohanan.
" oh o-kay?, pero bakit nangingitim yang ilalim ng mata mo? " tanong niya.
" ahh ito? " turo ko sa aking mata " wala lang ito, hindi ako nakatulog kagabi ng maaga" sagot ko at tumango- tango lang siya. Mabuti nalang at hindi na siya nagtanong pa.
Nang magtanghali na pumunta kami ni Faye sa isang fastfood chain upang doon kumain ng lunch at tulad ng inaasahan nagtutulakan na naman kami kung sino ang o-order sa aming kakainin.
I already memorised her script, "soft ikaw na mag-order."
"soft ikaw na ang mag order." si Faye. sabi kona nga ba eh!
"Oy anong ako?. Ikaw na oy" tanggi ko at itinulak siya.
"Sige ganito nalang Bato Bato pick tayo, kung sino matatalo siya ang o-order" suhestiyon niya pumayag nalang ako kaagad dahil wala rin naman akong choice at isa pa nagugutom narin ako.
" Sige. 1, 2, 3. Rock, Paper, Scissor,." Sabi niya at sabay naming inilahad ang aming mga kamay. Kainis natalo ako. bwiset naman o!.
"Good afternoon maam, what is you order po?"
"Uhhm.... " pinisil pisil ko ang aking mga daliri dahil sa kaba. Para akong ewan, college na ako pero parang kinder parin , kinakabahan kahit mag o-order lang naman.
Sinabi ko na sa crew kung ano ang order namin." Maam, take out or dine in?"
" huh?.... Uh dine in? " hindi siguradong sagot ko.
Hinintay ko pang dumating iyong inorder ko bago umalis, sa ilang minuto na inilaan ko roon pinagpawisan ako.
Umupo na ako paharap sa aking kaibigan, nagningning kaagad ang kanyang mga mata ng makita ang mga pagkain habang ako biglang nawala ang gutom na naramdaman dahil sa kaba kanina.
Mabuti pa siya sarap na sarap sa pagkain. Kainggit. Walang gana akong kumain kahit na masarap naman ang mga pagkain na nasa harapan ko.
Nang hapong iyon sabay kaming umuwi ni Faye, naglakad lamang kami katulad ng nakasanayan.
Nagdadal-dal kami sa isat isa syempre hindi mawawala yung chissmis.Meron talaga tayong mga kaibigan na updated sa lahat ng balita, daig mo pa si google at twitter. Katulad ng kaibigan kong ito, bagay nga sa kanya yung kurso namin.
Faye and I were not just friends we're like a sister's , I treated her as my big sister. We are friends since first year college.
During my ups and downs siya ang naging karamay ko , we share each other problem and secrets. She was with me during my first heartbreak, siya ang naging sandalan ko .I still remember how we became friends, hindi kasi siya nakapagdala ng lapis during our entrance exam kaya pinahiram ko , pasalamat siya't tropa niya yung crush ko ... Nako kung hindi? ... Hinding hindi ko siya pahihiramin. Chos.
She is a one call away friend and I'm lucky that I have her as my best friend.
Habang naglalakad kami ini-open ko ang social media accounts ko. Una kong inopen ang messenger, wala namang pinagbago. Nilulumot . Agad kong inexit iyon dahil wala namang mga messages. In-open ko din ang Facebook ko at napakasaya ko!
Guess what!
Marami akong notifications dahil sa mga reactors ng mga shinishare kong meme's. My heart jump in joy everytime my shared meme's reach 7 reactors.
Nakarating narin ako sa apartment ko, I took off my shoes and I place my bag in the couch, umupo ako sa couch nagpatuloy sa pag s-scroll sa newsfeed ko hanggang mabagot na ako, but my eyes widened a second when a notification popped up.
' Caden Dazthan sent you a friend request. '
Bye guysss, it looks like im getting married.
-*-
a lost piece of sh¡t writer ¦
¦ itzme_sol
YOU ARE READING
Loving you in every Chances
RomanceON GOING It started as a unintentional circumstance but turns out into a unexpected love story. BY: Itzme_sol start: 8/4/2021