KABANATA 04: Apat na Sugo | Malaya

4.1K 440 343
                                    

AUTHOR'S NOTE: Para sa mga nakabasa na sa unang bersyon nito, isinalin ang buong kabanata sa Filipino/Tagalog.

AUTHOR'S NOTE: Para sa mga nakabasa na sa unang bersyon nito, isinalin ang buong kabanata sa Filipino/Tagalog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MALAYA

AYAW NI Aya kay Elio. Hindi naman masama ang ugali nito. Wala rin itong ginawa na ikinabastos o ikinasama niya ng loob. Mukhang inosente naman kasi ang binata. Ngunit mahirap ipaliwanag kung saan nanggagaling ang pagkainis ng dalaga. Maaaring dahil ito sa kanilang elemento. Tubig si Aya habang apoy si Elio. Magkasalungat ang dalawa. Taliwas sa sinasabi ng ilan, hindi naaakit ang magkasalungat sa isa't isa. Parang tubig at langis na hindi kailanman maghahalo.

Hindi ba dapat ay nagsasanay siya? tanong ni Aya sa isip niya. Gaya ng ate niyang si Mayumi at kaibigan niyang si Miro, si Elio ay isa sa mga sugo ng Polesin para sa torneo. Wala nang mas magaling pa sa kanya pagdating sa pagmamanipula ng apoy.

"Ano'ng ginagawa mo?" kunot-noong tanong ni Miro. "'Di ba't pinagbabawalan tayong gumamit ng mahika sa loob ng puweblo?"

"Ano ka ba? Katuwaan lang 'to! Wala namang masama kung magsasaya tayo rito paminsan-minsan." Inunat ni Elio ang kanang kamay niya kung saan lumitaw ang mga pulang sambutil. Naipon ang mga 'yon at nag-anyong latigo na naglalagablab. Hinawakan niya na parang wala siyang naramdamang init.

Sa pagkakaalam ni Aya, nanggagaling ang kapangyarihan ng mga pyrocaster, o mga arkastor na may kakayahang gumamit apoy, mula sa pagkasabik o galit. Mas sabik o mas galit si Elio, mas malakas ang apoy na kaya niyang tawagin at kontrolin. Mukhang hindi naman galit ang binata kaya malamang sa pagkasabik galing ang matingkad na kulay ng mahika niya.

"At saka may pustahan kami." Lumikha ng kaluskos ang nag-aapoy na latigo niya. "Kapag nahuli kita, papayag si Yumi na lumabas kasama ko. Kaya mas mabuti pa kung sumuko ka na sa 'kin para pareho tayong hindi mapagod."

Natandaan na ni Aya kung bakit ayaw niya kay Elio. Gusto nito ang kanyang ate, ngunit hindi niya gusto si Elio para kay Mayumi. Kung si Elio na lamang ang natitirang lalaki sa mundo, mas gugustuhin pa ni Aya na mamuhay at tumanda nang mag-isa ang kanyang ate.

"Hindi pwede 'yan!" bulalas niya sabay lingon kay Miro. "Huwag kang susuko sa kanya! Ayaw kong makasamang lumabas ng mokong na 'to ang ate ko!"

"Gano'n ba?" Sumulyap si Miro sa kaibigan bago muling ibinaling ang tingin sa isa pang binata. "Huwag kang mag-alala, wala rin akong balak na basta-basta sumuko sa kanya."

"Aya naman! Masanay ka na sa 'kin," sabi ni Elio. "Baka ako na ang maging bayaw mo—"

Splat!

Bumaling ang ulo ni Elio sa kanan nang may tumamang bolang tubig sa mukha niya. Maliit lamang ang bola na nilikha ni Aya kaya hindi masyadong nabasa ang mukha nito.

"'Yan ba ang paraan mo ng pagpapakita ng pagsang-ayon sa 'kin bilang bayaw?" Hinilamos ni Elio ang mukha niya at dinilaan ang basa niyang palad. Ni hindi nga nito alam kung malinis ang tubig na ibinato sa kanya. "Malugod kong tinatanggap ang—"

Aria of the Arcane ①Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon