CHAPTER 34: ĞHŐ§Ť

269 28 3
                                    

AUTUMN P.O.V.

Sa hindi inaasahang pangyayari ng natumba ang nilalang na iyon ay bigla na lang nanghina ang aking buong katawan ng makita ko kung sino ang nilalang na ito. At nag siunahang tumulo ang aking luha kaya bigla akong tumakbo sa nilalang na ito.

"NAYYYY!" Hiyaw ko dahil sa galit na bakit pati sya ay nasali sa kalukuhan na ito.

"Anak! Wag ka nang umiiyak... masaya ako dahil makakasama kuna ang iyong Tatay.. at nangako ako sa iyong mga magulang na hindi kita papabayaan.. seguro ito na ang tamang panahon pa--." Ngunit hindi nya na ito natuloy dahil nawalan na sya nang malay.

"TALULLA! LUMABAS KA!" Pag kasigaw ko noon ay biglang lumabas si Talulla sa aking harapan at inutusan ko sya para pagalingin ang aking Nanay ngunit wala akong narinig sa kanya na salita.

"Talulla! Nag mamakaawa ako sayo.. pagalingin mo si Inay." Sabi ko sa kanyan habang nakaluhod.

"Paumanhin Master.. ngunit huli na po ako.. at hindi nyo po kaylangan ga--." Hindi pa sya tapos mag salita nang pinabalik kuna sya sa lugar kung nasaan sila Yibo.

"Ngayon! Masarap basa pakiramdam yung sakit!" Hiyaw sa akin ni Lamia.

Kaya bigla na akong tumayo ay pinalangin ang aking Nanay at ilang sandali lang ay bigla na lang ito naging abo.

"Tinuring ko kayo bilang na tunay na mga kaibigan... ngunit hindi ko inaasahan na kayo pala ang magiging dahilan upang mawala ang kaisa-isang pamilya ko.. alam nyo bang swerte kayo dahil may nakagisnan kayong mga magulang... samantala ako wala... at hindi ko din ba alam na bago ako mapunta sa mundong ito! Yun din yung oras na nawala ang aking Itay.. binuwis nya ang kanyang buhay para maging safe lang kami nang Nanay ko.. pero hindi nyo alam yun!" Hiyaw ko sa kanilang lahat.

"Hindi para sa aking sarili ang ginagawa ko kung hindi para sa inyong lahat! Sinong tanga ang mag-papakapagod upang mag ensayo araw-araw para lang gawing maayos at matiwasay ang pamumuhay nang kahit na si--." Hindi kuna natapos ang aking sasabihin nang bigla nanaman sila nag pakawala ng kapangyarihan ngunit wala na akong lakas para makipag laban sa kanila at sa hindi inaasahang pangyayari gumawa ng Barrier si Lea para sa aming lahat at alam kung nahihirapan na sya.

"Bakit mo ito ginagawa!?" Tanong ko sa kanya.

"Dahil alam kung hindi mo rin ito kagustuhan na mangyari." Sabi nya sa akin.

"Anak! Bakit mo pinoprotektahan ang ating kalaban!" Sigaw ng ama ni Lea.

"Hindi ko lang inaasahan nasa magandang pinakita sa inyo ni Autumn ay pinag hinalaan nyo pa itong kalaban... At kayo!" Sabay turo ni Lea kanila Daniel. "Kayong mga kaibigan nya na palaging iniisip ang proteksyonan kayo ay ito pa ang kapalit sa lahat nang tulong na binigay nya sa inyo. Ang hindi ko lang matanggap nasa inyo pang mga kamay namatay ang pinaka importanting tao sa kanyang buhay. Hindi nyo ba natatandaan na dahil sa kanya nag karuon tayo ng mga kanya kanyan nating mga Guardian ng da--." Hindi na natapos ni Lea ang kanyang sasabihin ng biglang nag salita si Raven.

"Tama ng ang mga dada lea masyado munang pinapalaki ang ulo nang G*gong yan!" Biglang sabat ni Raven.

"Ha! Ha! Ha! Tatlong tawa para sayo G*go. Nakalimutan muna ba na sya ang taong nag protekta sa inyo ni Math ng mga panahon na papaslangin kayo. Na dapat sa mga oras na ito ay inuuod na yang mga katawan nyo!". Sigaw nanaman ni Lea at alam kung nahiya si Raven sa sinabi ni Lea.

"Hindi ko alam na kung sino pa ang aming pinag katiwalaan sya pa pala ang kalaban!" Sigaw ng Ama ni Blaze.

"Patayin sila!" Biglang sigaw ng Tatay ni Lea at alam kung nasaktan sya sa kanyang narinig at nakita kung may tumulong luha sa kanyang mukha.

"Patawad! Ng dahil sa akin nasaktan kapa!" Sabi ko sa kanya.

"Hindi ako nag sisisi na mas pinili kitang protektahan kaysa sa pangsarili kung proteksyon. Alam kung mabuti kang nilalang Autumn at alam kung may plano ang mga diyos at Dyosa. At alam kung lahat ng ito ay nakatadhana, ako na humihingi ng paumanhin sa kanila.. patawag kung pinangunahan sila ng pag hihiganti nila at hindi muna pinag isipan ang kanilang susunod na hakbang." Sabi nito sa akin.

"Ngunit mamamatay tayong dalawa! Dahil alam mong nanghihina na ang iyong sarili at alam mo din ganon ang aking sitwasyon." Sabi ko sa kanya.

"Ngunit bago pa ako tuluyang maubusam ng lakas ay tatakas na tayo." Sabi sa akin ni Lea at hinawakan ang aking kamay at nilamon na lang kami ng lupa.

DANIEL P.O.V.

"Nakatakas na sila!" Sigaw ni David.

"Hindi ito maaari! Hindi pa sila nakakalayo dahil alam nating nanghihina na silang dalawa!" Sigaw naman ng Hari ng Oriente.

"Hindi ko inaasahan na mas pipiliin pa ni Lea iligras ang halang na kaluluwa ng nilalang na iyon." Biglang sabi ni Welkin.

"Dapat lang na namatay ang kanyang Ina!" Sabi naman ni Ruth.

"Wag na muna natin isipan yan ang kaypangan nating isipin ang kaligtasan ng mga nilalang na nakaligtas sa labanang ito!" Sabi naman ni Daniel kaya nag sibalikan na sila sa kani kanilang palasyo.

SOMEONE P.O.V.

Sa isang tagong kaharian masayang nag kakasiyahan ang mga taong nakatira dito.

"Hindi ko inaasahang ganon na lang kadaling paslangin ang ibang mga Royals ng iba't ibang kaharian ng Anatolia!" Biglang salita ni HAPPY GHOST.

"Ngunit sa isang bata kanina nabago ang lahat ng ating plano!" Sabi naman ni UNFAITHFUL GHOST.

"Hindi makakailang magaling ang batang iyon." Sabi din naman ni RED REAPER.

"Ngunit alam kung sya ang sinisisi ng mga Royals!" Sagot naman bigla ni GHOST MASTER.

"Paano mo naman ito nasabi aber!" Sabi naman ni HANDSOME GHOST.

"Dahil dito! Idiot!" Sagot naman ni GHOST MASTER kay HANDSOME GHOST.

Author Notes:
              Ito na! Nag pakilala na ang mga makakalaban nila Autumn. Ang malaking katanungan Sila lang ba talaga ang kalaban o Meron pang iba. Ano kaya ang role nila sa Storyang ito. Abangan!
              Maraming salamat sa patuloy na nag babasa ng story ko at palaging nag hihintay ng aking Update. Thank you sa patuloy na nag babasa, nag cocoment, nag vovote at nag follow sa akin sa wattpad account ko. Thank you talaga Rectzleians. Keep always safe and have a beautiful day. FIGHTING! JIAYOU!

[COMPLETE] THE MYSTERY OF ANATOLIA [M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon