Nakadalawa na pala ako ng san meg apple at napasarap ang kwentohan namin ni ivar.
Nagtawanan kami kasi naalala niya lagi na sunod ng sunod siya dati kung saan man ako mag punta.
"Alam mo babe nagpapakipot kalang saakin noon."
Tumawa ako sa sinabi niya.
"Sorry kanalang di kaya!"
Kiniliti pa niya ako na parang walang paki sa paligid kahit maraming tao.
"Pasalamat ka ang ganda mo."
"Kung hindi pala ako maganda ayaw mo siguro saakin anoh?"
Siya naman nakabawi.
"Nagtatampo kaagad ang mahal ko. Marami naman maganda peru iba ka."
Na love of first kaagad ako sayo.
Nararamdaman ko nalang bigla na gusto kita.""Binabawi mulang para maniwala kaagad ako sayo."
"Wag kana kasi mag tampo babe dahil mahal na mahal kita."
Niyakap ko siya at hinalikan sa labi.
"Naiihi ako mag c-cr nalang kaya muna ako."
Medyo umaalon na ang paningin ko medyo madali akong malasing kahit maliit lang ang alcohol na ininom ko.
Hinawakan naman ni ivar ang kamay ko.
Babe slowly. Marahan niyang hinaplos ang likod ng kamay ko.
"I told you na sana hindi kanalang uminom."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil nasusuka ako sa amoy ng sigarilyo at iba pang alak nangangamoy sa loob ng club.
Marami ang tao kaya hindi kami mabilis nakarating sa comfort room.
Mabuti nalang at malapit na kami.
"Dito lang ako sa labas maghihintay babe."
Pumasok na ako at ni isang tao sa loob ay wala. Nakakapanghinayang lang bakit sa dinarami ng tao bakit isa walang nakapasok sa cr.
Pumasok ako sa nauunang cubicle.
At pagkatapus ko ay lumabas na agad. At maghuhugas na sana ng kamay ng may gumapos at tinabonan ang bibig at ilong ko ng panyong nakakahilo at lumalabo ang paningin ko. Nakikita ko nalang ang nakaitim na lalaki at nakatabon ang mukha.
Hindi ko naaninag ang mukha niya at lubusan nawala na ako ng malay.------
Sumasakit ang ulo ko at hindi ko agad maibuka ang mga mata ko.
Nanaginip lang ba ako.
Nang may narinig akong bumukas na pinto at doon ako napadilat ng mga mata.
Nakagapos ang dalawa kong paa at lalo na ang dalawa kong kamay.
At nakatabon ang labi ko ng isang packing tape.
.. Nagpapanick ako sa kaba. .
Hmm. Hmm. Hmm.
Hingal ako ng hingal at pumipiglas.
Nakatalikod parin ang isang lalaki.
Nagsalita siya.
"Wag mo nang ipilit luna hindi kanaman makakawala at ni isa hindi ka maririnig kahit magsigawan kapa."
Familiar ang boses niya.
Madilim ang solok ng silid.
At lampshade lang ang nag iilaw.May tinitimpla siyang gatas at may mga pagkain sa isang maliit na lamesa.
YOU ARE READING
"Sabi mo ako lang"
RomanceLuna is only child Of Lucho and Sharon. Nagka crush at na inlove sa taong hate na hate nya. "Love triangle"