Prologue

8 2 0
                                    

                                 
                                  ***

Paano kapag pumatay ka ng tao para magligtas ng buhay?

Paano mo gusto kang tawagin ng tao? Mamamatay tao o tagapagligtas ng tao?

                                  ***

"Babye!" paalam ko kay papa bago ako bumaba ng sasakyan.

Hila-hila ko ang barbie na trolly bag ko habang naglalakad sa hallway ng school, pinagtitinginan naman ako ng mga bata na dinadaanan ko bago bubulong sa isa pa nilang kasamang bata. Alam ko namang ako na naman ang pinag uusapan nila pero hinayaan ko na lang.

"Heil!" tawag saken ng kababata ko sa pangalawang pangalan ko, bago lumapit sakin para tulungan ako. Medyo may kalakihan kasi yung bag ko.

"Ang aga mo ah." bati ko sa kanya, kadalasan kasi ay lagi itong late sa klase.

"Ahh napaayos na kasi yung sasakyan namin." sagot nya naman bago kumamot sa ulo. Siya lang yung kaibigan ko dito, karamihan kasi sa mga bata dito ay ayaw sakin. Mukha daw kasi akong rich kid kahit sa tingin ko ay hindi naman.

"Pila na tayo, malapit na mag flag ceremony!" sabi nya saka marahan akong hinawakan sa palapulsuhan at hinila palabas ng room.

Medyo nagtagal pa kami sa gitna ng ground dahil may announcement pa. Malapit na din kasi ang buwan ng wika.

"May damit ka na ba?" tanong ko sa kanya, sya kasi ang partner ko sa cariñosa. Nung nakaraan kasi ay nabanggit nya saking wala pa siyang costume.

"Oo! Humanap kaagad si mama nung nalaman nyang ikaw partner ko!" sagot nya at natuwa naman ako. Si tita talaga.

Natapos ang buong maghapon pero kaunti lang ang klase namin. Madami kasi ang ginagawa ngayon ng mga teachers kaya bilang secretary, ako na muna ang naglista ng noisy.

"Bat mo ko nilista?!" tanong saken ni Aesha. Kanina pa kasi siya nag iingay, unfair naman sa ibang tumahimik talaga.

"Kanina ka pa kasi nag iingay Aesha." sagot ko sa kanya.

"Eh ano naman? Ako ang president dito, secretary ka lang." nagulat naman ako sa sinabi nya kaya napagtaasan ko sya ng kilay.

"Hindi naman porket president ka na ay pwede ka ng mag ingay Aesha." sabi ko sa kanya sa pinaka kalmado kong boses.

"-aba't sumasa-" susugod na sana sya palapit sakin pero agad siyang pinigilan ng kaibigan ko.

"Aesha hayaan mo na lang si Heil, yun naman kasi talaga utos ni Teacher Ann diba?"

Kumalma naman agad si Aesha, may crush ata 'to sa kaibigan ko e. Lagi kasing masama ang tingin nya sakin kapag magkasama kami ng crush nya. Kaya siguro mainit din ang dugo niyan sakin.

"Teacher Ann!" bati ko sa guro namin na kararating lang. Ang ilan sa mga kaklase ko ay umuwi na, habang may ilan na natira dahil cleaners daw sila.

"Zed! Mabuti naman at hindi nag ingay mga kaklase mo, napasunod mo silang tumahimik." sabi sakin ng teacher ko at bahagya pang kinurot ng ilong ko. Natawa ako sa kanya dahil nanggigigil na naman sya sakin.

"Heil, mauna ka na. Cleaners ako e." sabi niya sakin, lagi kasi kaming naghihintayan dalawa. Hindi ko alam bakit pinauna nya na 'ko, tumango na lang ako bago nagpaalam sa teacher ko na aalis na 'ko.

SingkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon