01

4 1 0
                                    

                                 
                                  ***

Bumaba ako para maghanap ng almusal. Nakatulog na pala ako kagabi, buti na lamang at hindi nila ako ginising. Mas gusto ko yung ganoon.

Agad akong dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape. Alas kwatro pa lang ng umaga pero nagising agad ako, siguro nasanay na din yung katawan ko sa ganitong set up ng paggising.

Madilim ang buong bahay, siguro dahil na din sa kulay ng pintura. Itim kasi yuon, na may halong gray at white. May mga ilaw namang bukas pero kaunti lang.

Nakita ko namang gising pa din yung mga body guards namin sa labas. Hindi ko maintindihan ang Monoca kung bakit binigyan pa ako ng ganito, kaya na naman namin ni Dep ang mga sarili namin.

Sisipsip na sana ako sa tasa ko ng makarinig ako ng tawag mula sa cellphone ko kaya agad ko din iyong sinagot.

"Hmm?" walang ganang sagot ko, hindi ko man lang tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Pupunta ka sa Malacañang mamaya kasama ang Dep mo." halos mabitawan ko ang tasa ng marinig ko ang boses ng Nobu. Napaka walang galang ko.

"Sige po." yun na lamang ang sinagot ko bago umakyat sa taas para kunin ang susi ng Ford F-250 ko.

Hindi ko na ginising si Dep. Agad akong umalis at pumunta sa pinaka malapit na mall. Hindi pa bukas pero kaya ko yang ipabukas.

Mabilis kong nalaman kung sino ang nag mamay-ari ng mall kaya agad ko ding tinawagan. Wala naman siyang nagawa at ipinabukas yon para sa akin.

Nagulat ako ng nagpadala din siya ng mga taong maga-assist sakin kahit hindi ko naman kailangan. May mga body guards din na nakasunod sakin.

Tinuro ko lang lahat ng gusto ko at sila na ang kumukuha noon. Ako na din ang bumili ng mga damit ni dep dahil sigurado ako na kung hindi ko pa siya bibilhan ngayon ay tiyak na magpapasama ulit siya sakin mamaya.

"Ah ma'am sure po kayong kaya nyong bayaran lahat?" tanong sakin nung babae. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya, napaatras naman siya ng bahagya dahil sa takot.

"Gusto mo bang dagdagan ko pa yan? O ako na din ang magbayad ng pang araw-araw mong gastusin?" sagot ko sa kanya at binigay lang ang card ko. Pagkatapos ay kinuha ko na din agad saka sumakay sa sasakyan ko. Sila na ang bahalang maghatid noon sa bahay ko.

"Cap saan ka galing?" salubong sakin ni Dep na kakagising lang.

Pagkapasok ko sa loob ng mansyon ay agad kong tinanggal sa pagkabutones ang white long sleeve ko saka hinubad at natira na lamang ay ang pang ilalim kong suot.

Nagulat siya sa inasta ko pero umakto na lamang siyang walang pake alam, kinuha ko yung damit na pinamili ko saka isinuot.

"5 minutes lang, aalis na tayo." sabi ko sa kanya saka pumunta sa kwarto para kuhain yung kailangan ko. Narinig ko naman siyang nagdali-daling magbihis kaya natawa na lang ako.

3 minutes na at hindi pa din siya tapos magbihis, nauna na kong sumakay sa sasakyan at nagpasyang doon na lamang siya hintayin. Hindi ko muna pinaandar ang makina ng sasakyan at ibinaba muna ang bintana para manigarilyo.

Bumisina ako ng isang beses at agad namang siyang lumabas. Hindi pa siya nakakapag seatbelt ay agad kong pinaharurot ang sasakyan.

Ipinarada ko lamang ang sasakyan at sinabi kay dep na maghintay lamang siya sa loob. Ako lamang ang bumaba at pumasok sa Malacañang.

SingkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon