02

1 0 0
                                    

                                 ***

Hindi ako makatiis ng makita ko siyang inaalila ng mga yun. Hindi ko nga kinakawawa siya, tapos sila uutos utusan lang siya?

Nang makita kong oorder siya ng pagkain ay agad akong tumayo at nagsabi kay Yna na bibili lang ako ng inumin.


"Sino yung mga yun?!" pabulong kong tanong kay dep ng magtabi kami sa pila.


"Ayos lang ako cap, chill ka lang baka mahalata nilang magkakilala tayo." pabulong nya ding sagot. Naiinis ako dahil ngayon ko lang ginawa ito, ang bumulong.

"Tsk" yun na lamang ang naging reaksyon ko saka tumahimik na lamang, pansin ko kasi sa gilid ng mata ko na kanina pa nakatingin samin yung isang lalake na nasa table din nila. Nababahala lang ako dahil baka nga mahalata nya kami.


Nauna siyang umorder at sumunod ako sa kanya. Napapakunot na lamang ang noo ko sa tuwing magbabanggit sya ng pagkaing inoorder nya. Masyado kasing madami. Bakit si dep pa ang inutusan nila? Ang dami daming lalake sa table nila ah.


Tapos na si Yna kumain kaya niyaya nya na akong umalis doon, mainit kasi at maingay dahil sa dami ng istudyante. Dinala ko na lamang ang natitirang pagkain ko dahil sayang kung iiwan ko lang iyon sa table.

Papaalis na kami ng marinig kong sinisigawan nung babae si dep. Tila pumintig yung tenga ko ng pagsalitaan nya ng hindi maganda iyon.

Hindi na ako nakapag pigil at agad akong kumawala sa pagkaka-hawak sa braso sakin ni Yna at dali daling nag martsa papunta sa kinaroroonan nila.


"Zed, what are you doing?!" narinig kong sigaw ni Yna, pero di ko siya nilingon.

Habang papalapit ako ng papalapit sa table nila ay agad kong ibinulsa ang kanang kamay ko saka kumuha ng isang libo. Agad kong binago ang emosyon ng mukha ko dahil ayokong mahalata nila ako.

"-Um excuse me?" pagputol ko doon sa babae habang pinapahiya nya si dep. Lumingon naman ako sa kanya na ngayon ay nakatungo lang.

"Is this yours?" tanong ko kay dep, nagpapanggap na hindi ko siya kilala.

"By the way, I'm Zed. Nakita ko lang na nahulog kanina, sorry di ko kaagad naiabot sayo." sabi ko ng nakangiti. Seryosong nakatingin lang naman silang lahat sakin.

"Thank you." sagot lang ni dep. Agad naman akong nainis dahil hindi ko inaasahan na yun lang ang isasagot nya! Kulang pa ata 'to sa training e.

Hindi ko na lang pinahalata na nawalan ako ng gana at ngumiti na lang bago sana maglalakad pabalik kay Yna, pero agad hinigit ni dep yung kamay ko paharap sa kanya.

"-Umm anong pwede kong gawin para sayo in return? Binalik mo kasi yung pera ko." sabi nya at nagpapanggap na nahihiya pa.

"Hmm, lumipat ka na lang sa class namin. Ikaw magbitbit ng bag ko for the whole day. Ayos lang ba?" sagot ko. Alam kong ang weird ng sinabi ko, at ang normal na istudyante ay tatangging humingi ng favor pero ako ay hindi. Sinabi ko lang naman yun para mapasama siya sakin, at mapahiwalay na siya sa mga student council.


"Oo naman" sabi nya lang at ngumiti sakin. Bago sya sumama sa akin ay tumingin muna sya sa mga kasama niya kanina, tingin ng nagpapaalam.

"Thank you cap." bulong nya sakin ng makalayo na kami, umakto naman na ulit kaming hindi magkakilala ng makalapit na kami kay Yna. Sabay sabay kaming tatlong pumunta sa class dahil yuon ang nagpagkasunduan.

SingkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon