Let Me Tell you...

108 1 8
                                    

"Ang sakit pre eh ang sakit sakit!!"

"nang alin ba ?" 

"intik na pusong toh oh! bat pa na-inlove sa isang babaeng di naman ako ang gusto."

"Okay lang yan sige tagay ka pa! haha drama muh !" Binaukan ko siya sa ulo na muntik niya ng ikabuwal sa kinauupuan niya.

Hayan nanaman ang kaibigan kong may problema sa lovelife , tuwing pupunta na lang yan dito sa bahay namin eh para makipaglasingan which hindi ko ginagawa , hinahayaan ko lang siyang mag-inom mag-isa, eh broken hearted ang kupal , ako eto tinatawanan lang siya at ang mga kalokohan at kadramahan niya sa buhay . Ako nga pala si Ranz Raymond Lorenzo, tahimik pero malakas mang trip , sabi nga nila ang tahimik mapanganib but it's not the kind of  guy am i , mabait ako in all aspects. 

"Sige uwi na ko pre!"

"Sige inom ka pa , uwi mo pa toh oh !" hindi niya na ako pinansin at tuluyan ng naglakad papalayo habang gegewang gewang , ewan ko ba diyang sa kaibigan ko lagi na lang sawi sa pag-ibig buti pa ako eto may nililigawan na at mukhang sasagutin niya na ako.

Nagkakilala kami sa school nung first year i thought hindi ako magkakagusto sakanya kasi alam ko ang trip niya ay yung isa naming tropa at hindi ko talagah siya gusto noon , Pero everything change nung naging second year ako at first hindi kami close kasi galing ako sa second best section nung first year ako at siya naman ay pilot section na talagah , nalipat lang ako kasi nagka-top ako sa klase kahit papaano matalino ako. At first akala ko nalilito lang ako sa nararamdaman ko pero nung tumungtong ako ng third year feeling ko lalong lumalalim yung nararamdaman ko para sa babaeng yun.

Room 205.....

III-Narra

"Bike tayo sa Sabado ? "

"Uhhmmmm Okay, tayo lang ?"

"Bahala ka."  oo tuwing sabado ay inaaya ko siya na magbike kami kasi alam kong yun lang yung time na makakasama ko siya ng matagal, lagi siyang nagtatanong kung kami lang daw ba, sinasabi kong bahala na siya dahil ayoko namang maging awkward ang paligid kapag kaming dalawa lang kaya sinasama niya yung iba naming classmates.

Lumipas ang mga araw na madalas ko siyang makasama, sa room , sa school ,sa gala  bastah lagi ko siyang nakakasama at naging close ko siyang kaibigan pati na rin yung tmga kaibigan niya.

"Ano bike ulit tayo sa sabado ?"

"O cg------"

"Sige bike tayo ! mag-aaral pa akong magbike eh !" hindi ko na naipagpatuloy yung sasabihin ko kasi biglang sumingit yung isa niyang kaibigan kaya ayun umuwi na sila at ganun rin naman ako.

---------------------------------

"Ilang araw na lang pasko na ! wohoooo ! Simbang gabi tayo ?" tanong nung kaibigan niya saming dalawa ,

"Sige ba ! ui Lorenzo Sama ka aa!" she said, nung mga panahong yun gusto kong magpasalamat dun sa kaibigan niya , imaginine mo yun , 9 days ko siyang makakasama ng matagal , may pasok pa kami nung mga time na yun pero dahil sobrang desidido siya na mabuo yung simbang gabi kaya , gabi gabi sinasamahan ko siyang magsimba kasama nung kaibigan niya at feeing ko tuwing nakakatabi ko siya at nahahwakan ko yung kamay niya kasi di ba may kanta dun na maghahawakan ng kamay ? ayun feeling ko tumitigil ang heartbit ko . 

Pagkatapos ng simba , umuuwi na siya, nilalakad niya lang yun kasi walking distance lang naman yung bahay niya mula sa simbahan pero hinahatid ko pa rin siya ng motor pero dahil may phobia siya sa pagsakay dun , ilang days rin bago ko siya tuluyang napasakay dun, Salamat sa tulong nung kaibigan niya. Alam mo ba yung pakiramdam na nakakapit siya sayo ng mahigpit at ramdam na ramdam mo yung takot nya pero ikaw natutuwa ka pa ring pagmasdan siya kasi alam mong yung mga panahong yun , yun yung part na sa tingin mo hindi niya malilimutan at nagpapasalamat ka na ikaw palang ang unang nakapilit sakanya na gawin ang isang bagay na kinatatakutan niya ta kasama niyong hinarap yung fears niya, shet ambakla ng mga words ko , bakit ba kasi umibig pa ako sa babaeng toh eh ! no no no no .....

Let's Fall in Love Once Again... [ ONE SHOT STORIES ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon