CHAPTER 10

1.2K 67 0
                                    

ZYRIA'S POV

Nagising ako dahil sa ingay mula sa kusina. Sobrang ingay talaga as in! Tatayo na sana ako ng maramdaman kong sobrang hapdi ng tuhod ko. Sinubukan ko itong itiklop kaso hindi ko magawa parang mapupunit ang balat nito. Hindi ko din masyadong maramdaman yung binti at hita ko siguro dahil sa ngalay kahapon.

Oo nga pala pinarusahan ako ng bwiset na Aldrake na yon! Pwes maghanda na siya ng mas mabigat na parusa dahil itatakas ko pa yung kapatid niya dito! Wag ako kasi lahat kaya kong gawin. Risk taker ako e.

“Chie don't touch that! Arrghhh bakit ayaw mong ma-perfect?!”

“Damn it chie masugat ka!”

“Oh dear sunog nanaman!”

“Ayoko na! This is fucking hard!”

“Wag na nga kumain!”

Ilan lang yan sa mga naririnig ko. Sinusubukan ata magluto ni Ferra. Napatingin ako sa wall clock na nasa tapat ko, 7:34 am na pala. Gutom na nga yung mag-ina kaso wala akong magawa. Hindi ko ma-igalaw yung mga paa ko.

BWISET KASING ALDRAKE YON E!

Padabog na umupo si Ferra sa sofa habang nakasimangot ang muka nito. Hirap n'yan gutom kana kaso hindi ka marunong magluto. Poor Ferra.

“So what happen?” I asked. Nilingon niya naman ako ng nakasimangot ang muka.

“I can't cook! Palagi nalang sunog! Pati sinaing sunog! Ulti mo sunny side up sunog!” inis na sabi nito. Natawa naman ako sa kan'ya.

“Ayan kasi hindi sa lahat ng oras may KATULONG KA na pwedeng asahan” natatawang sabi ko na mas lalong nagpasimangot sa muka niya.

“I'm hungry! Sinunod ko naman si google ewan anong problema” umiiling na sabi nito. Kapit google pero hindi ma-perfect amp!

“Hay nako if only I can cook for you kaso eto ganito lang ako bwiset kasi yung kuya mo e” naku Aldrake nasa'n kaba papadilaan ko lang sayo yung sugat ko!

“Ikaw naman kasi sana hindi ka nalang sumagot kay kuya kahapon ayan tuloy napasama ka” sabi nito. Wala naman akong pake kahit mapasama ako basta alam kong may point ako.

“I don't care wala naman akong ginagawa no. Talagang trip lang ako ng kuya mo” inis na sabi ko sa kan'ya. Totoo naman palagi nalang ko.

Napa-iling naman ito sa akin habang nakatingin sa sugat ko. “So paano na yang sugat mo? Hindi ko alam paano mag gamot ng sugat kaya nilinis ko lang yan kagabi” nagaalalang sabi niya.

“Hayaan mo na to malayo sa atay to. Ikwento mo nalang sa'kin kung paano mo nakilala si Hiro. Parang may something kasi sa mga tinginan niyo kahapon” curious parin ako hanggang ngayon kaya naitanong ko sa kaniya.

She smile bitterly at tumingin sa anak niya. Sa mga mata niya parang may pina-flashback ito na masasakit na pangyayari. Hindi ko alam pero yun yong nararamdaman ko.

“Si Hiro ang first boyfriend ko at the same time tatay ng anak ko” nakangiting sabi niya habang nakatingin kay chie. Ako naman nagulat. Gago literal na nagulat ako!

“Huh?! Paano nangyari yon?! Hoy gaga paano?!” sunod-sunod na tanong ko dahil sa gulat.

“I met him when I was 15 years old. He was 19 that time so lahat ng tao sa paligid namin against sa relasyon namin. Hiro is a kind of person na hindi talaga ako sinukuan, itinaboy ko siya, inaway, pinagbataan pero wala hindi talaga siya sumuko. I feel in love with those attitude at lalo na sa determination na ipinapakita niya” mahabang panimula niya. Ibinaling nito ng tingin niya sa akin saka ngumiti ng mapait.

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon