CHAPTER 24

970 50 0
                                    

NOTE: Near end is coming

ZYRIA'S POV

One week, almost one week ko na ding hindi nakikita si Aldrake. Hindi na siya pumasok sa section namin though sya ang dapat magtuturo that time. Namiss ko siya, sobra.

Hindi ko alam bakit ko siya namiss bigla pero wala bigla ko nalang siyang gustong makita. Ang tanga ko lang sa part na pinalayo ko siya tapos ngayon hahanap-hanapin ko siya. Imagine nagpupunta ako sa mga tambayan namin before. Naghihintay ako doon kunwari may ginagawa pero ang totoo hinahanap ko lang siya.

Kasalanan ko bang nag over think ako that night? Kasalanan ko bang wala akong tiwala sa kanya kasi sa mismong bibig na ni Clarah nanggaling na boyfriend niya si Aldrake? Kasalanan ko bang mag doubt lalo na't may nangyari na sa kanila? Kasalanan ko bang nasasaktan ako lalo na kapag naiisip kong trip lang lahat yon?

Mahal siya ni Clarah, mahal din niya si Clarah. Nakikita ko yon sa mga mata nila lalo na kapag magkasama sila. I can't blame myself acting like this. Gusto paba to? Symptoms paba to ng pagkakagusto sa isang tao? I bet no.

Hay nako Zyria!

"Ms. Zuarex are you with us?" puna sa akin ng teacher namin.

Tinatawag niya ata ako kaso hindi ako sumagot. Lutang ako bakit ba?! Kasalanan nanaman ni Aldrake to eh!

"S-Sorry ma'am masama lang po pakiramdam ko" pagsisinungaling ko.

My teacher nodded. "You should go to clinic" sabi nito.

Mabilis akong umiling. Ayoko sa clinic ang boring doon. Makakatulog lang ako kapag nandon ako. Mas okay na dito kahit papaano alam kong may mga tao sa tabi ko. Doon feeling ko may multo yawa!

"No need ma'am I can handle this po" pilit ngiting sabi ko.

"You sure?"

"Opo"

"Okay then let's proceed to our topic again"

At ayon na nga nagturo na ulit si ma'am. Pinilit kong makinig para hindi na niya ulit ako matawag. Ewan ko ba parang may kung anong demonyong bumubulong sa'kin na "isipin mo si Aldrake" yawa ang creepy!

Hanggang sa matapos si ma'am lutang ako. Hindi ko nga alam kung anong tinuturo niya. Wala din akong alam kung anong pinagsasabi niya.

"Ms. Zuarex" tawag ulit nito sa'kin. Paborito mo'ko ma'am?!

"Po?"

"Pakihatid naman to sa third building, 4th floor sa room 408" utos niya.

Kinuha ko yung mga folder na ipinapaabot niya saka lumabas ng room. First time kong pupunta sa room na yon kasi ang alam ko ang third building is for college. Malamang sa alamang isa sa mga floor or room sa building na yon andon si Aldrake.

May kakaibang excitement akong nararamdaman. Parang sinasabi ng isip ko na "finally I have a chance to see him!" Iniling ko ang ulo ko para kalimutan ang bagay na yon. Taksil kang puso at isip ko. Ever since na nagkakagusto ako sa isang tao hindi ganito ang epekto sa akin. Kung baga parang kakaiba talaga si Aldrake.

Wag mo nga siyang isipin Zyria!

Bakit nagkakaisa tong puso saka isip ko?! Aldrake! Aldrake! Aldrake! Parehong laman ng dalawa. Ayoko ng ganito! Ayoko! Natatakot ako!

Buntong hininga ang pinakawalan ko ng nakatapat na ako sa pintuan ng room 408. I cleared my throat then knock. Wala namang nagbubukas ng pinto kaya napag desisyonan kong pihitin yung door knob saka pumasok.

Madilim sa loob nito. Nakasarado ang mga bintana. Siguro vampire mga estudyante sa room na to. Nagulat ako ng marinig kong sumara yung pinto. Bigla itong nag-lock ng kusa. Tangina ano ba to gaguhan?! Akmang pupunta na ako sa gawi ng pintuan ng biglang bumukas yung ilaw sa gitna.

ALDRAKE BUENAVENTURA: My demon master [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon