Chapter 2

3 0 0
                                    


"Nandito na ba ang lahat?" Tanong ni Leigh, ang president ng Drafting.


Walang sumagot dahil ano nga ba ang isasagot namin. Hindi namin alam kung ilan ang sumali at mas lalong hindi namin kabisado ang mukha at pangalan nila. Sila itong mayroong list ng pangalan namin, dapat sila ang nakakaalam.


Nang walang sumagot ay napagtanto niya ang sitwasyon.


"Okay, let's start by introducing ourselves," aniya bago tumayo sa maliit na entablado sa harap. "I am Leigh Anne Echavez, Leigh for short. The president of Drafting, the purpose of this meeting is to orient you about the things that you will be needing in this elective, your class assignments, and of course your schedule," may iba pa siyang sinabi bago pinatungtong ang iba pang officers sa naturang electives.


Ang huling nagpakilala ay si Frank.


"I am Frank John Quiambao, Frank for short. I am currently grade 11, taking TVL-ICT, please look at me as your senior and you can count on me," aniya sa mababang boses. Siya ang huling officer kung kaya't tumingin siya sa mga nakaupo upang magtawag ng susunod. Nakapwesto ako rito sa likuran dahil na late ako ng ilang minuto, sa pagmumuni muni ko ay hindi ko napansin na nagkatinginan na pala kami at doon ko napagtantong lagot ako. "Please introduce yourself next, the girl at the back with a ponytail."


That is obviously me, kaya napairap ako bago tumayo at naglakad papunta sa harapan.


"Uhhh... Friscilla Zelda Angeles, but you can call me Frida. Ahhh... 15... Future engineer hehe... That's all," ang sabi ko bago dali daling bumaba at bumalik sa pwesto.


Nakita ko ang hindi magandang tingin ng ibang officers habang may asungot na nakangisi sa gilid. Nageexpect ata sila na mas mahaba ang introduction, ano naman ang gusto nilang sabihin ko doon? Ikuwento ko ang love story nila mama at papa?


Mabilis natapos ang pagpapakilala ng ibang estudyante at ngayon ay nag break muna dahil hinihintay ang adviser ng naturang elective.


Maya maya ay dumating si Mrs. Dimaano at nagsimulang magsalita sa harap. Sinabi lang naman niya ang mga kakailangin gaya ng iba't ibang uri ng mga lapis at rulers, mga panukat, at mga uri ng papel.


"..... this  schedule is aligned with your primary schedule in this school. You will be taking this elective 4 hours a week. It's up to the decided schedule to whether you will take it an hour per day, 2 hours for 2 days, or 4 hours in a day. As I said, this is decided based on your convenience, there are time where you will be in class with the upper and lower grade levels than yours, I also know that you still have your language classes and other extra curricular activities that you need to manage.  I will be giving this slips to the president, because I still have a meeting to attend to. Please do enjoy this electives guys," aniya bago ibinigay kay Leigh ang isang bugkos ng papel at umalis.


Pagkatapos noon ay ipinamigay ni Leigh ang mga nasa ibabaw na slips, siguro 'yon ay para sa kanilang mga officers. Malamang ay sila rin ang pumili ng mga schedule nila. 


"If you are called please stand up immediately, get your schedule, and you can go home," ayun lamang ang sinabi niya at nagsimulang magtawag ng pangalan.

Drawn and Measured Rules (Aspirant Series #1)Where stories live. Discover now