Pinakawalan kita bitbit ang paniniwala na ito ang magbibigay saatin ng kasiyahan.
Paglaya sa nakakasakal na aruga,
bagong karanasang malayo sa nakasanayan,
saya sa piling ngbagong paraluman.Ngunit, habang tumatagal, nararamdaman ko ang paninikip ng dibdib.
Pagmamahalan natin nais kong muling ibalik. Bakit dumidilim ang paligid? Bakit mga yakap mo'y hindi niya kaparis?Pinakawalan kita bitbit ang paniniwalang ito ang magbibigay saatin ng kasiyahan.
Pero, hindi kapayapaan ang dinala ng iyong paglisan.