002

2 0 0
                                    


Naalala ko noon, gabi-gabi mong iniisip ang iyong magiging kinabukasan.

Hindi ka tulad ng iba. Hindi mo nakuha ang swerte na mayroon sila. Hindi ka espesyal.Madalas mong itanong sa sarili, may puwang ba sa mundo ang isang batang hindi kasing galing nila?

Matapos ang ilang taon...

Para sa batang natakot, 'wag ka ng mangamba. Ako na ang bahala.

Hindi pa din ikaw ang pinakamagaling, at maaring hindi ka magiging pinaka magaling -- pero iba ang lakas ng tulad mong nagpatuloy.

Para sa batang binalot ng pag-aalinlangan, 'wag ka ng mag-alala. Ako na ang bahala.

Ipagpatuloy mo ang pangangarap; ang pagbuo ng kahilingan, at pag-bulong ng dasal. Naririnig Niya lahat, naalala ko naman ang bawat salita. Kukulayan natin ang iginuhit mong kinabukasan, itaguyod ko ang buhay na nais mong makamtan.

Lumaban ka.
Lumalabaan ako.
Lalaban tayo.

OUTLET PH - STREAMWhere stories live. Discover now