Magkasama tayong nagikot sa isang bagong tayong bilihan sa Cubao.
Sari-saring puesto. Parang pinagsama-samang panahon.Hindi ko malilimutan kung paano tayo nagsaya sa pagtigil ng oras. Kung paano tayo namangha sa makalumang bagay; sa plakang panahon pa ni Inay; sa pagkuha ng larawan nang walang humpay.
Nasaakin pa ang pulseras nating dalawa, tinago ko din ang sing-sing kung saan nakaukit ang ating ngalan. Nakaipit pa din sa libro ang ating mga larawan.
Pero ikaw na kasama ko sa pag-gawa ng matatamis na alaala ay naglaho nang tuluyan.
Nasaan ka na? Walang paramdam, anino ng nakaraan.
May iba ka na bang paraluman?Bakit mo ko biglang nilisan at inalis sa'yong kinabukasan?
Sa paglisan ng pangarap ang tanging naiwan saakin ay ang iyong larawan.