YTBB_02

0 1 0
                                    

| Playlist #02 : Miss Right |

Isang malakas na hampas ang tumapos sa pagkatulala ko. Inis kong binalingan ang may pakana. Si Melonis, kapatid ko. Hindi sya nagbigay ng reaksyon. Inilahad nya lang ang isang bag na naglalaman ng baon. Doon ko tuloy nabalingan ang masamang tingin ko.

"Oh, bigay mo daw kay Mama." Hindi ko tinanggap. Badtrip. Kakagising ko lang tapos uutusan pa ko. Nang malaman nyang wala akong balak na tanggapin ay tinawag nya si Papa na nagluluto sa kusina. Kaya kahit masama ang loob ko ay kinuha ko to ng padabog.

"Aba't nagdadabog! Papa, oh!" Sumbong nya kay Papa. Asar ko nalang na sinipa sya sa tuhod.

"Kingina ka talaga. Melonis Azul." Gigil na bulong ko. Hindi na sya nakaganti dahil tumakbo na ko papuntang labasan.

Tirik ang araw ng lumakad ako papuntang Mansion ng Xavier. Inutusan ako ng magaling kong kapatid na dalhin si Mama ng lunch nya. Nagtratrabaho bilang kasambahay si Mama sa mga Xavier.

Hindi stay-in si Mama kaya minsan umuuwi sya. Hindi ko rin maintindihan si Mama kung bakit nag papadala pa ng pagkain kung pwede naman silang pakainin sa mansion. Masyadong sensitive ang nanay ko. Gusto nya luto ni Papa lagi ang kinakain nya. Kaya araw araw hinahatidan sya ng pagkain.

Buti nalang malapit lang ang mansion ng Xavier sa bahay namin kaya hindi na mahihirapan kung sinong mag hahatid.

Binati ako ni Mang Eli, guard sa gate ng mga Xavier. Binati ko nalang sya pabalik dahil medyo humupa na ang inis ko sa pag uutos sa akin. Mayordoma si Mama kaya pwede akong mag derederetso. Kilala naman ako ng lahat ng tao dito sa Mansion kasabay nila Mrs. at Mr. Xavier dahil ilang taon na rin naninilbihan si Mama sa mga Xavier at ilang taon na rin akong nag pabalik balik dito.

Huminto ako nang mapansin ko ang isang itim na ducati na nakapark ilang bloke ng layo sa harapan ng Mansion. Huminto ako dahil ngayon ko lang nakita na may nakapark na motor dito.

Nahagip ng isip ko na baka sa anak ng Xavier yan. Hindi ko pa nakikita ang kaisa isang anak nila dahil daw sa Abroad ito nag aaral. Rinig kong tsismis nang mapadpad ako sa lungga ng mga tsimosang kasambahay ng mga Xavier.

Pumasok ako sa loob. Spanish Ancestor inspired ang bahay nila. Vintage with the touch of modern era. Isang malaking chandelier ang nakasabit sa kisame.

Nakabukas to kahit maaga at tirik pa ang araw. May mamahaling gamit din sa sala. Nong una namangha ako pagkapasok ko pero ngayon nauumay na ko. Don't get me wrong, maganda ang mansion nila pero mas maganda ako.

Napadpad ang mata ko sa makintab na hagdanan nang may marinig akong tunog. A woman in her late fifties, covering in ruby silk robe. Sopistikada at halatang mayaman. Ang mata nyang singkit ay lalong sumingkit nang mahagip nya ko ng tingin.

"Oh' iha!" Mrs. Juliana Jeon-Xavier beamed lightly. Nag mamadali syang bumaba sa hagdan para salubungin ako.

Napadpad ang seductive fruity scent sa ilong ko ng yakapin nya ko. In short amoy mayaman. Ngumiti lang ako ng maliit at nahihiyang yumakap ng konti sa kanya. Letche, kakagising ko lang. Hindi pa ko naliligo.

"How are you? Hinahanap mo ba si Celeste?" Ngiti nya sa akin. Nakita ko tuloy ang walang pores at kulubot na mukha nya sa malapitan.

Nahihiya akong ngumiti kay Mrs. Xavier. "Opo, eh."

Pinatawag nya agad si Mama sa isang kasambahay para sabihin na nandito ako. Nag paalam na rin sya na mag aalmusal. Niyaya pa nya ko pero nahihiyang tumanggi ako. Sinabi ko na kumain na ko kahit hindi naman dahil ginising lang ako ng magaling kong kapatid para utusan.

Yellow, The Badboy's BabyWhere stories live. Discover now