YTBB_04

0 0 0
                                    

| Playlist #04 : DNA |



Distorted. I wake up while lying my eyes into yellow painted ceiling. Napaupo ako bago ngumiwi dahil sa pasa at sugat na natamo kahapon.

Napunta ang mata ko sa bagay paulit ulit na gumagalaw. I pick up my cellphone and see who texted me.

Unknown :

Take care. Cure your wounds with the ointment that I gave you.

Unknown :

Don't go to school and rest. I talk to your teachers to give you rest in one week. Take a rest, Polyhynmia.

Napahawak ako sa puso ko ng kumabog ito nang malakas. I hardly punch my chest to stop pumping so fast. Gosh Yellow, ang aga aga pa. Napailing nalang ako sa kanya ng maalalang isang linggo nya ko inexcuse.

Napatitig ang mata ko sa pintuan ng kumalabog yun ng malakas. May taong kumakatatok ng sobrang lakas na parang sisirain na ang pintuan ko. Mukhang alam ko na kung sino.

Hinayaan ko nalang at tumitig sa taong papasok. Ilang pagkatok pa ang ginawa nya bago naisipang pihitin ang pinto.

Nang malaman na bukas pala ay ngumiti sya ng malawak sa akin. The girl with cut in her lips and wound on her cheeks get inside my room.

Ngumiwi sya nang makita ako na para bang walang syang putok na labi, kalmot sa leeg at pisngi.

"You look like shit." Komento nya.

"Like you." Binato nya ko ng mahawakang unan. Umiwas naman ako sa pag bato nya. Nagpapadyak nalang sya bago lumundag pahiga sa higaan ko.

"Nasugatan at nabugbog naman ako pero bakit walang Jk Xavier ang nag buhat sa akin!" Padyak nya habang nakahiga.

Uminit ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kahapon. Dinala nya ko sa clinic ng school pagkatapos nyang sabibin sa harap ng estudyante ang salita nya. Habang buhat nya ko ay parang napilipit ang dila ko dahil hindi ako makapagsalita dahil una, kami lang dalawa habang nararamdaman ko ang mainit nyang palad sa binti ko. Pangalawa, madilim ang mukha nya.

Kaya walang imik kaming dalawa papuntang clinic. Nang maibaba nya ko ay hindi ko rin sya nakausap dahil tumitig lang sya sa akin. Pagkatapos kausapin ang nurse ay umalis sya ng walang paalam. Ngayon iniisip ko kung nagsisisi sya dahil sinabi nya ang bagay na yun.

"Ano ba talaga ang nangyari sa inyo?" Siko sa akin ni Pompom. Tinignan ko sya bago magpakawala ng hangin.

"Actually, I really don't know."

Why are you acting like that Jk Xavier?

Sa buong araw ko ay tumambay si Pompom sa bahay namin. Suspended sya ng isang linggo dahil kasama sya sa away. Ako hindi dahil hindi naman ako nanakit. Sila lang ang nanakit sa akin.

Expelled din ang tatlong babaeng nakaaway ni Pompom. Di rin sinabi kung bakit pinatalsik sila pero may ideya ako.

"Ang sakit ng kalmot sa akin ng ingrata na yun. Kung makita ko yun ng isang beses lulumpuhin ko yun!" Gigil nyang nilamutak ang hawak na ice cream.

Yellow, The Badboy's BabyWhere stories live. Discover now