YTBB_01

0 1 0
                                    

| Playlist #01 : Boy with Luv |


"Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote mo't nag eskadalo ka dun tapos ngayon hindi papanindigan. Uy Yellowishingwell! Panindigan mo yan." Umungot ako nang hilain ni Pompom ang naka talakbong na kumot sa ulo ko. Hinila ko naman pabalik para matakpan ang mukha ko.

Mag aala una na siguro nang tanghali pero nandito parin sya. Nambubulabog sa akin. Mukhang walang balak umuwi hangga't walang chismis sa akin. Buti nalang Sabado, walang pasok ngayon. Sa sobrang galit ko kahapon ay ngayon lang naabsorb ng utak ko ang ginawa ko kahapon.

Nakakahiya! Hindi ko alam na aabot pala nang ganoon ang galit ko. Sana ginamit ko yung calming method na tinuro sa akin ng kapatid ko siguro wala ako sa kama, nakalubog sa kahihiyan at hindi matahimik ang kaluluwa.

Wala na kong maihaharap na mukha kay Jk and friends! Wala wala na! Pati sa mga taga Royalé. Kagabi kasi nakita kong viral sa wall ng Royalés socmed yung eskandalo na ginawa ko. Halos hindi na ko makahinga nang pindutin ko yung article namin. Shuta! Ang unang article na tungkol sa akin pa ay ganito.

'Jk 'The Badboy' Xavier got LQ on Miss Yellow Escobar the Academy Bad boy's Baby'

May picture pa nung tinulak ko si Jk sa balikat nya. Ako pa ang mukha may masamang ginawa. Daig ko pa ang lahat nang artista dahil lahat nang populasyon ng Royalé ay alam na may away kasi. Masyado silang chismosa.

May nakita pa kong article na lalong nag pagulo nang sitwasyon ko.

'The Bad boy's Third Party with Miss Filipiana Aris Gustavo aka Filar Gustavo'

Hati ang reaksyon ng tao kay Filar at sa akin. Doon ko lang nalaman na mag pinsan pala sila ni RM kaya childhood friend ni Jk yung gaga. Maraming nakigulo sa article. Lalo na si Pompom.

PomiblytheZ. : Mas maganda ang manok ko dyan! Maputi lang ang singit ng shuta na yan.

Napailing nalang din ako nang makita ang comment nya. Nanatiling tahimik naman ang pito lalo na si Jk sa isyu pero ang cellphone ko ay tadtad ng messages at missed call nya.

Hindi ko nga binubuksan at lahat ng call nya ay inignore ko. Hindi ko alam kung papasok pa ba ako sa lunes o hindi na. Feeling ko pangarap ko nalang maging patatas na nakahimlay na nang tahimik sa lupa na tsaka lang babagon para maging french fries sa McDonalds para sosyal.

Natigil ang paghila ni Pompom nang may tumunog. Kanina pa kami nag t-tug of war. Ayokong makita nya ang dinanas na nangyari sa akin. Lalo nya kong aasarin.

"Oh phone mo si Bebe Jk" Rinig ko ang patukso nya sa akin. Napabangon ako nang wala sa oras para samaan sya nang tingin.

"Bakit hindi ka pa umuwi?! Wala kang masasaid sa akin!" Bulyaw ko sabay hablot nang cellphone.

Napaismid nalang ako nang makitang may 70 unread messages, 90 missed call ako mula kay Jk. Mula kanina pa tong madaling araw hindi ba sya natulog.

Binuksan ko yung isa habang nakatunghay sa akin si Pompom, nakikibasa sa message. Hindi ko nalang pinansin.


Tarantadong Xavier :


Baby, Polyhymnia..

Yellow, The Badboy's BabyWhere stories live. Discover now