Prologue

12 0 0
                                    

September 2010

Uwian na. Nandito ako sa waiting shed sa labas ng school. Habang hinihintay ko si Mommy, kumakaway ako sa mga classmates kong nagbaba-bye sa'kin. Malakas ang ulan at sobrang dilim ng langit kahit alas-singko pa lang ng hapon. Mabuti na lang, pinadala sa 'kin ni Mommy yung kapote ko at gumboots para kung sakaling mas lumakas pa yung ulan at bumaha, ready ako. Kahit kasi may bubong yung waiting shed, tumatalsik pa rin sa 'kin yung tubig. Nababasa ako. Ang putik kaya! Kadiri!

"Anya, nandito ka pa rin?" Tanong sa 'kin ni Tita Grace. Nanay siya ng classmate kong si Trebs at best friend siya ni Mommy. Buti pa si Trebs, dumating na yung sundo niya. "Nasa'n na si Rita? Susunduin ka raw ba niya?"

"Wala pa po si Mommy eh. Susunduin niya daw po ako." Sabi ko sa kaniya.

"Okay ka lang ba dito? Wala kang kasama. Gusto mo ite-text ko na lang si Mommy mo tapos kami na lang ni Trebs ang maghatid sa'yo? Ang lakas na ng ulan, anak."

"Okay lang po ako, Tita. Hintayin ko na lang po si Mommy. Sabi niya po, 'wag po akong aalis dito 'pag wala pa siya."

"Tara na, An-Anya! Hatid ka na lang namin ni Mama." Sumingit sa usapan si Trebs. An-Anya tawag niya sa'kin. May an-an daw kasi ako.

"Okay lang ako, Treblig butlig." Nginitian ko silang dalawa.

Nalungkot naman si Trebs sa sagot ko kaya ginulo ko yung buhok niya. 'Di na siya malungkot. Nainis na siya.

"O sige, Anya. Basta 'pag wala pa rin si Rita, text mo lang kami ni Trebs ha? Balikan ka namin." Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako tapos kumaway ako.

"Opo, Tita Grace. Thank you po!"

Naglalakad na sina Trebs at Tita Grace palayo nang magsalita ulit si Trebs. "Sige, An-Anya. Ingat ka. Nood tayo Hannah Montana sa weekend ah! Punta ka sa 'min!"

"Sige ba! Haha bakla ka talaga!" Napatakip ako ng bibig sa gulat nang ma-realize kong nakatingin sa 'min si Tita Grace. Tumawa siya. Naniwala kaya siya sa 'kin na bakla si Trebs?

Bumalik si Trebs sa pwesto ko para guluhin yung buhok ko. Aba't! "Ewan ko sa'yo, panget! Ba-bye!" Sabay takbo tapos sumakay sa kotse ni Tita Grace. Kumaway pa si Trebs na nasa passenger seat at nag-belat-bleh-buti-nga-panget-mo-kase na pose bago sila tuluyang nawala sa paningin ko.

Ilang sandali pa, wala nang tao. Madilim na pero wala pa rin si Mommy. Dadating pa kaya siya?

Maya-maya, tumunog yung cellphone ko.

"She got her own thing; that's why I love her. Miss Independent, won't you come and spend a little time? She got her own thing; that's why I love her. Miss Independent, Ooh the way we shine, Miss Independent."

Tinapos ko muna yung chorus ng ringtone ko bago sinagot yung tawag.

"Hello..." Bati ko sa tumawag.

"Anya, ba't ang tagal mong sumagot?" Boses ni Daddy. Tinapos ko pa kasi yung kanta ni Ne-yo. Hihihi! Sorry, Daddy. "Nasa school ka pa?" Tanong niya.

"Opo, Dad. Dito pa 'ko. Tagal ni Mommy eh."

"Sige, hintayin mo 'ko diyan." Pakiramdam ko, dismayado si Daddy sa narinig. Halata ang inis sa boses niya. Lagi na lang kasing nangangako si Mommy na susunduin ako kaso nakakalimutan niya. "'Di ka masusundo ni Mommy. Nasa office pa siya." Sabi ko na nga ba.

"Okay, Daddy."

"'Wag ka aalis jan, Anya. And please, don't talk to strangers. Understood?"

"Yes, Daddy."

Habang hinihintay ko si Daddy, nagmamasid-masid ako sa paligid. Hindi nagtinda si Manong na may palabunutan. Hindi tuloy ako nakataya. Nanalo ako kahapon ng sisiw na color blue. Siguro sa susunod na linggo 'pag maaraw na, tataya ulit ako. Sana maka-jackpot ako ng sisiw na pink.

Past TenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon