Chapter 7

7 0 0
                                    

Maaliwalas ang gising ko kinabukasan. Bumangon ako at uminom ng tubig bago tingnan ang aking cellphone. It's already 9:30. Gano'n kahaba ang tulog ko?

I bit my lip when I saw Rios' text. Kanina pa 'yong text niya, around 7:00.

Mukhang mas maaga pa siyang nagising kaysa sa akin, e mas nauna akong nakatulog sa kaniya. I was really tired yesterday and and I admit that talking to him is already a rest for me, but my body just can't cooperate with my lovelife. Natulugan ko tuloy si Rios.

Rios: Wake up, sleepyhead. Good morning.

He tried to call me two times at siguro dahil walang sumasagot ay hindi na niya ako tinawagan.

He's always like that. Tinatawagan niya ako ng dalawang beses kapag hindi ko nasagot ang una niyang tawag, I asked him about it and he said that he understand that I have a lot to do at hindi ako laging nakatunganga sa cellphone ko. Ang sabi niya pa, kapag hindi nasagot ang pangalawang tawag, indication na iyon na busy ako. I admire him for that, well anyway, I always admire him tho.

Nag-ayos ako nang sarili bago bumaba. Sa bungad pa lang ng hagdan ay dinig ko na ang tawa ni mama sa kanyang kausap.

"Nako ha, baka naman binobola mo lang ako ha" natatawang ani mama. Kumunot ang noo ko at dumiretso na sa baba.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Rios na nakaupo sa sofa namin at kakwentuhan si mama. Tumatawa silang parehas.

Mabuti nalang at naisipan ko munang mag-ayos ng sarili bago bumaba, kung hindi ay paniguradong mahihiya ako sa aking itsura kahit na alam ko naman na maganda pa rin ako kahit bagong gising.

I'm always confident about myself. There's just times na hindi maiwasnag mainsecure at magdoubt sa sarili but in normal days, I'm always confident.

Napatingin sa akin ang dalawa nang mapansin nila ako, tinaasan ako ng kilay ni mama at tumayo.

"Aba, mabuti at gising ka na. Kanina pa rito ang bisita mo. Feeling mo ha" wika niya na para bang siya ang naghintay sa akin.

Tinawanan ko lang si mama bago ako bumeso sa kanya at bumati ng magandang umaga. Agad akong lumapit kay Rios para batiin siya ng magandang umaga, sayang lang at hindi ako humalik hehe.

Kinagat ko ang labi ko, nahihiya kunware pero ang totoo ay kinikilig ako. Parang tanga pero pake niyo ba.

"Why are you here?" Tanong ko sa kanya at tumabi sa kanya ng upo. "Nag-breakfast ka na ba?" Pahabol ko.

He adjusted and faced me. Inilagay ang kaliwang braso niya sa sandalan ng sofa so parang naka-akbay siya sa akin. Bakit hindi niya nalang sa balikat ko nilagay, ayos lang naman. Joke one half.

"Yeah, pinagkape ako ni tita kanina. You'll join us sa night out right?" Paalala niya sa akin.

Alam ko naman, di ko naman nakakalimutan pero mamayang gabi pa iyon kaya ako nagtataka. Bakit ba hindi na lang niya sabihin na gusto niya akong makita nang mas maaga, hays. Wag na mashy babe.

"Yeah, pero sobrang aga mo naman?" Tinaasan ko siya ng kilay para mas ramdam niya ang pagtataka ko. Hindi ako nagrereklamo, nagtataka lang.

"Maggo-grocery tayo para sa pagkain mamaya" Paliwanag niya. I nodded and smiled at him.

"Kape lang ang umagahan mo? Halika, kain tayo. Sardinas nga lamang ang ulam" seryosong anyaya ko sa kaniya. Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko.

Sumimangot ako sa kanya dahil sa kanyang ginawa pero nawala rin iyon nang ayusin niya ang aking buhok. Sinuklay niya palikod gamit ang kamay niya, nilagay naman niya sa likod ng tenga ang ibang nakaharang sa mukha.

UNDYING LOVE OF KEMRIEWhere stories live. Discover now