Chapter Three

22 3 10
                                    

I was lying on my bed while scrolling through my cellphone, visiting all my socmed accounts when a chat head popped up.

Rios: Hey.

It was Rios. A smile formed into my lips, kakahiwalay lang namin kanina, nagchat na agad? Miss agad ako? As a friend din ba 'yon?

I replied after a minute, syempre para hindi magmukhang abangers ako sa chat niya.

Me: What?
: Why are you chatting me? Wala kang load? Kawawa ka naman.

That was my reply. Nakita ko naman na nabasa niya agad. Abangers, hmm.

Rios: Lol, as if. Kita ko lang na online ka, may isesend akong picture.

Hindi ko alam kung bakit natawa ako. One of the reason why I like him is his format of typing. I don't know, it's a big turn on for me kapag kumpleto ang letters ng bawat salita with proper punctuation marks.

I just sent him a laughing emoji and waited for his reply. Since mukhang inaabangan niya nga ang reply ko, agad agad din ang kanyang reply. Wala, crush talaga ako nito. Claim ko na mga mami, akin na'to.

Nang mag-load ang picture na sinend niya ay agad ko itong nakita.

Malawak na ngiti agad ang nabuo sa aking labi, pakiramdam ko rin na naghugis puso ang mata ko, if that's possible.

It was his picture, pouting while winking. Napakagat labi ako dahil ang lawak talaga ng ngiti ko. I immediately saved it, gagawin ko sanang lock screen kaso baka makita niya, baka ma-creepy-han siya.

Me: Oh? Anong gagawin ko d'yan?

Kunwari walang epekto, dapat hindi tayo nagpapakita ng karupukan, girl.

Nagpicture din ako, nag-peace sign lang ako while fiercing. I sent it to him.

Rios: Oh? Anong gagawin ko d'yan?

Pupusta ako, kinopy niya lang yung last message ko. Natawa ako habang tinatype ang reply ko. Kala mo ha

Me: Save it. Gawin mong pang-patulog, crush mo naman ako e.

Ako lang malakas.

Natagalan siya sa pagrereply, siguro tinitigan niya picture ko? Hala, baka halikan niya, okay lang naman sa akin. Pwede ngang ako mismo halikan niya e, ay char. Maharot.

Me: Oh? Nainlove ka na? Chill lang.

Rios: Send another one, smiling.

Me: Hala, bakit?

Rios: I like it more when you're smiling.

Muntikan ko nang maibato ang cellphone ko nang mabasa ko ang reply niya. Heart flutterer talaga amp.

Me: Ayoko, matutulog na ako.

Baka kasi magmukha akong tanga sa picture, 'di ko kasi mapigilang hindi ngumiti ng malawak, baka mahalata niya.

Rios: Lol, ang damot.

UNDYING LOVE OF KEMRIEWhere stories live. Discover now