Chapter 8

7 0 0
                                    

Sinamaan ko nang tingin ang tatlo bago alisin ang braso ni Rios sa bewang ko. Naaalala ko pa rin ang hawak ng babae sa kanya kanina.

Oo, hindi kami. Oo, wala akong karapatan. At oo, nagseselos ako at wala akong magawa kasi ang pinanghahawakan ko lang sa aming dalawa ay ang mga ginagawa niya. Seryoso ba siya sa akin o sinusubukan niya muna kung ayos ba akong maging girlfriend? Ewan. Bahala na.

Seryoso lang ang mukha ko nang tingnan niya ako, tinaasan niya ako ng kilay ngunit nginitian ko lang siya nang pilit. Bumaling ako sa lamesang may lamang mga inumin, kinuha ko ang isa at dire-diretsong ininom, hindi na hinayaan pang maka-angal ang lalaki sa tabi ko.

"Are you okay? Are you mad?" Bulong ni Rios. Hinawakan niya pa ang braso ko. Napapikit ako dahil naalala ko na naman ang haplos ng babae sa kanya kanina.

Shuta, masaya naman ako e. Masaya ako sa sitwasyon namin pero syempre hindi ko maiwasang mainsecure lalo na kung wala namang paninigurado tungkol sa kung ano ba ang relasyon namin dito. I don't even know if I could pass as a fling.

Umiling ako sa kanya, peke pa rin ang ngiting binigay ko sa kanya. Kumunot ang noo niya at bumuntong hininga.

"Come here" hinila niya ako at biglang niyakap, dinig ko naman ang ubo nang tatlong nakapaligid sa amin.

"Pucha talaga, sana sinaksak niyo nalang ako" si Jonas. Tinulak pa niya si Isaac dahil inaasar siya nito.

"Grabe, aalis na lang ako dito. Grabeng pqgpaparamdam na single ako ah?" Lexi said and walked out. Napaka dramatic ng mga taong ito.

Ako rin naman Lex, single din.

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko kay Rios, nakadikit ang pisngi ko sa dibdib niya.

Amoy na amoy ko ang bango niya. Dahil sa pagyakap niya sa akin, unti unting nawawala ang selos na naramdaman ko kanina, pati ang amoy niya ang nagbibigay sa akin ng magandang pakiramdam. Shuta, mukhang di ko na malilimutan ang amoy niya. Baka kapag naamoy ko ang ganitong amoy ay siya agad ang maiisip ko. Lalaking lalaki ang amoy niya at hindi masakit sa ilong kahit sobrang bango.

Hinaplos niya ang buhok ko at naramdaman ko ang labi niya sa gilid ng ulo ko.

"That was nothing, okay?" Bulong niya sabay halik sa gilid ng ulo ko.

"What are you saying?" Gulong gulo na tanong ko.

He saw me? Nakita niyang nakita ko ang kalandian ng babae kanina? Kinagat ko ang labi ko dahil sa naramdamang hiya.

Wow, bakit ako mahihiya? Bakit ba ako nahihiya? Ano naman kung nakita niya akong nagselos? Ano naman? Alam naman niyang may nararamdaman ako sa kanya kaya bakit ako mahihiya?

Pero kahit gano'n ang sinasabi ng isip ko, nilulukob pa rin ako ng hiya sa katawan. Shuta, wala akong karapatan.

"She's just a friend. Nangamusta lang kasi nasa kabilang block na siya" patuloy niya sa pagpapaliwanag.

Friend!? Friend daw, may pahaplos, friend!?

Sige Kemrie, pagselosin mo pa ang sarili mo gaga ka.

Sino ba namang kasing kaibigan ang hahaplusin ang braso ng kaibigan? May kasamang landi pa? Umirap ako at humiwalay sa yakap niya.

Kitang kita ko ang pag-aalala sa mata niya. Kabadong kabado dahil sa pag-aakalang galit at nagseselos ako.

Oo! Nagseselos ako, nagpapahaplos ka sa iba! Porket ang ripped ripped ng biceps mo ha!?

"Friend? Bakit kailangang humaplos, e nangangamusta lang pala?" Tinaasan ko siya ng kilay at sumulyap sa braso niya.

Ang sexy niya naman kasi, ang hirap bakuran. Wala pang label kaya lalong mahirap, kaasar.

UNDYING LOVE OF KEMRIEWhere stories live. Discover now