Poem #3
SIYA, IKAW, AKO
by: raeleekim
Siya, ang nagpapaligaya sa'yo
Siya, ang bumubuo sa araw mo
Siya, ang dahilan ng mga ngiti mo
At siya, ang dahilan ng mga luha mo.
Ikaw, ang taong nagmamahal ng iba
Ikaw, ang taong gagawin ang lahat para sa kanya
Ikaw, ang taong 'di susuko para sa pag-ibig niya
At ikaw, ang taong ninais ang lahat para makuha ang "Oo" niya.
Ako, ang taong lagi kang pinakikinggan
Ako, ang taong mas mahal ka ng lubusan
Ako, ang taong tuwing gabi'y ika'y iniiyakan
At ako, ang taong lihim na umiibig at nasasaktan.
Siya, ikaw at ako, pinagtagpo ng tadhana
Kapwa naghahangad na mahalin ng sinisinta
Siya, ikaw at ako sino ang mas kawawa?
Sa tingin ko, ako ang tunay na nagdurusa.

YOU ARE READING
WHAT ABOUT LOVE?
PoetryWHAT ABOUT LOVE? A collection of Tagalog and English #whogoat poems made by me when I was still in my High School days. I am not pointing anyone here. It just came in my mind so I wrote it. Please don't plagiarised. Follow me on asianfanfics: rael...