Poem #5
Kaibigan?
by: raeleekim
Kaibigan ang tawag niya sa akin
Laging nagtutulungan at nagdadamayan din
'Di niya alam ako'y may lihim na pagtingin
Pero 'di ko pa man sinasabi, kaibigan lang ang tingin niya sa'kin.
Lagi siyang nagkukwento
Sa babaeng nagpapatibok ng kanyang puso
Na para raw itong anghel galing sa itaas
Na ang ngiti nito'y sintamis ng prutas.
Siya'y umiiyak na lumapit sa'kin isang araw
Pinagpalit raw siya dahil sa kanyang mga torpeng galaw
Kung ako sana ang iyong inibig oh aking kaibigan
'Di ka sana iiyak at iiwan lang na ganyan.
YOU ARE READING
WHAT ABOUT LOVE?
PoesiaWHAT ABOUT LOVE? A collection of Tagalog and English #whogoat poems made by me when I was still in my High School days. I am not pointing anyone here. It just came in my mind so I wrote it. Please don't plagiarised. Follow me on asianfanfics: rael...