This story is a work of fiction.
A Product of author's Imagination.
Any resemblance to person, living or dead, lives and events is purely coincedental.****
Nasa labas ako ng classroom namin habang nakatanaw sa may feild ng school, nasa mismong harap lang din ito ng classroom kaya masarap magpahanagin, lalo na sa ganitong mga oras, hindi na mainit dahil mag ga-gabi na.
Maya-maya ay napalingon ako sa pinaka dulong classroom ng building lang rin namin, two-story building kasi ito at may tig ta-tatlong rooms at nasa first floor ako, ang pinaka dulong classroom naman ay room ng isa sa paburito kong teacher, si Sir Gavin.
Habang nakatayo ay panay ang lingon ko sa pintuan nila, nagbabaka sakaling lumabas si sir kaso mga ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin. maybe may klase ito sa ibang classroom o baka busy lang. Kumuha na ako ng upuan at umupo doon habang naghintay, wala rin naman kasi akong ginagawa dahil hindi pumasok yung isang subject teacher namin.
Gwapo si Sir Gavin, kahit masungit at snob. Marami rin ang nagkakagusto sa kanya dahil syempre gwapo nga sya, at type na type pa yung pagka mysterious effect niya. Masyadong nakakahatak ng atensyon, at isa na nga ako doon.
Sa paglingon kong muli sa direksyon ng room niya ay biglang bumukas ang pintuan ng at iniluwa na nga nito ang taong hinihintay ko, si Sir Gavin. Nakapamulsa at diretsong nakatingin sa field.
Agad namang sumilay ang ngiti sa mga labi ko habang pinagmamasdan ito ng palihim. Sinundan ng mga mata ko ang bawat mga galaw nito, mula sa swabeng pag angat ng mga kamay nito at humawak sa railings, sa maliit na buntong hiningang pinakakawalan nito, hanggang sa patalikod itong sumandal sa railings at yumuko na tila may malalim na iniiisip.
"Creszaaa!"
Gulat naman akong napakapit sa upuan ko ng sumulpot bigla ang kaibigan kong si Mira. Hila-hila ang isang armchair at i'pinuwesto ito sa gilid ko at umupo.
"Sinong a-attend sayo?"
Agad akong napaayos ng upo at tinuon ang atensyon sa kanya. Pahamak naman ito, muntik pa tuloy akong malaglag at nasira pa ang pag a-admire ko kay sir. hmp!
"Si Mama, pero hindi pa sigurado. Sayo?"
Sagot ko at sumandal sa upuan niya habang pasimpleng sumisilip sa direksyon ni Sir, pero agad din naman akong umiwas ng mapatingin ito sa direksyon namin.
"Walang pupunta sa akin. Pwedi bang sabihan mo si tita mamaya na kuhanin narin yung card ko? Pleasee.."
Nagpa cute pa ito kaya inirapan ko nalang siya. May gaganapin kasing Program sa classroom ngayon. 'Stars Awarding' pakulo ng Class President namin dahil malapit na kaming gumraduate. At isasabay narin namin ang huling Assembly meeting at kuhanan rin ng Card.
"Oo na. Para ka namang others! Tsupi ka na nga!"
Pagpapaalis ko sa kanya. Kaso pinaghahampas niya lang ako sa kamay at mas lalo pang dumikit sa akin.
YOU ARE READING
My Teacher My Lover
Teen FictionZaniya Cresza Gonzales and Gavin Isaiah Delfueza. Their love story, unfolding against the backdrop of school academic halls, It is a tale of two souls who, through the pursuit of wisdom, discovered a love that transcends the constraints of time and...