Chapter 8

2 0 0
                                    


Love

_______

"Mira, samahan mo naman ako sa Cr please.."


Pakiusap ko kay Mira habang free time pa namin. Naiihi na kasi talaga ako.



"Busy pa ako Cresza, may assignment kaya tayo."



"Sige na Mira, saglit lang naman, pramis."



Pamimilit ko pa. Nagbuntong hininga ito at tinignan ako nang matalim, yung tipong nagpipigil lang na manakit. hehe sadista pa naman ito.



"Alam ko na yan Cresza magpapacute ka lang dun kay Sir. Tsk ang landi mo!"



Akusa nito na tinawanan ko lang. Well, hindi naman kasi ganun yun. Naiihi naman talaga ako eh.

Pero pwedi ko naman yung gawin, Nice idea. hehe


"Anu ka ba, sisilip lang naman."



"Ewan! baliw ka, oh sya halikana at lumandi."



"Hahaha anong landi? Effort tawag dito."


Proud na sabi ko. Kaya nakatanggap ako ng batok. Isa din tong madaling mapikon eh' tsk. Jino-joke lang naman. tch


"Pag ikaw na fall ng totoo kay Sir Gavin masasaktan ka lang sa huli Cresza, Tatawanan talaga kita makikita mo."



Sagot nito at nagsimula ng maglakad, nauna pa ito sa akin kaya pahabol ko itong sinundan.



"Sus! Crush nga lang ang Oa nito."


Tugon ko nalang at sumabay sa kanya. Anong mafa-fall? Ako? Tch Asa.


______



Nasa tapat na kami ng Classroom ni Sir Gavin ng tumigil ako at sumilip sa pinto. At nakita ko nga itong naka upo sa desk niya at seryosong nagtitipa sa laptop niya.



"Sir!"



Tawag ko sa kanya, Buti nalang walang masyadong tao sa Classroom niya. Napatigil ito sa at inangat ang tingin sa direksyon ko.

Hindi ito sumagot bagkus ay tinaasan lang ako ng kilay.

Aba ang taray huh.
Pero hindi ako nagpatinag at ngumiti sabay kaway ng konti.



"Hi Sir!"


Masiglang bati ko ulit. Nagsalubong ang kilay nito at akmang tatayo ng bigla akong tumakbo paalis.

Natatawa akong sumunod kay Mira papunta sa Cr, grabi baliw na ata ako. hehe Siguradong lagot ako kay Sir mamaya sa klase nito, baka papagalitan na naman nya ako. Tch Napapailing nalang ako sa sarili ko.


"Oh? Kinarma ka na ba? "


Salubong ni Mira ng tumabi ako sa kanya sa paglalakad pabalik sa Classroom namin.



"Hindi pa, konti nalang."



Pabiro kong tugon sa kanya. Pinanlakihan niya ako ng mata at akmang babatukan ako kaya dali-dali akong umatras palayo sa kanya at nag peace sign.



"Lintik! Tatamaan ka talaga sakin Cresza!" Inis na inis nitong wika.



"Inlababo na ata ako kay Sir, Mira." pabirong dugtong ko pa.



"Aba't! Ulol !"sigaw nito at iniwan ako at nauna nang bumalik sa classroom.



Natawa nalang akong sumunod sa kanya papasok ng classroom.

Hindi ko naman masisisi si Mira. Okay lang naman na magka crush daw ako pero hindi talaga sya sang-ayon na kay Sir Gavin, kasi nga Teacher namin yun eh'.
Si Mira kasi advance mag isip, Crush nga lang kasi. At siya rin naman ang dahilan kong bakit ako nagka crush kay sir eh, kita mo, ang panget kabonding. tch

Tsaka Kasalan ko bang Gwapo si Sir at Malandi ako? Chaaar.




****8

My Teacher My LoverWhere stories live. Discover now