Jealous__________
Tinutukso ako ng mga kaibigan ko kay Sir Gavin habang nasa hallway kami nang biglang dumaan si Maam Kris.
"Sino ang may gusto kay Sir Gavin?" Pabirong tanong nito.
Agad akong yumuko sa hiya at ang mga kasama ko ay hindi naman umimik.
Nakakahiya, narinig pa ni Ma'am.
"Akin lang si Sir Gavin noh' kaya wag na kayong makisali pa." Natatawang turan nito na ikinagulat namin.
Nakitawa nalang din kami at Hindi nal kami nagsalita at ng tumalikod na ito umalis.
Si Ma'am Kris ay isa sa mga teacher rin namin. Astig ito na Teacher, Matalino at maganda pa. Idol ko nga siya eh', kaso may gusto rin pala siya kay Sir Gavin, sino ba naman ang hindi eh' Gwapo si Sir at matalino rin. Bagay nga sila. Sakto namang lumabas si Sir Gavin sa Classroom nito.
"Sir Gavin?!"
Tawag ni Maam Kris at kumaway pa at nagmamadaling pumunta kay Sir. Agad akong umiwas ng tingin at naglakad papasok sa Classroom namin.
"May gusto pala si Ma'am Kris kay Sir noh?"
Wika ni Mira na nasa tabi ko. Inulit pa talaga.tsk Napasimangot nalang ako at sumandal sa Upuan ko. Sino nga lang naman kasi ako dba? tch
"Eh' ano ngayon?" Tugon ko.
"Gusto mo rin si Sir diba?" Tanong nito.
Gusto ko lang ba talaga si Sir? hayyst. Syempre, hanggang dun rin lang naman talaga dapat ako.
Nakasimangot na tugon ko na ikinatawa nito.
"Crush ko nga."
"Masaya ka?"
Pang aalaska ko sa kanya kaya nakatanggap ako ng batok mula sa kanya. Kahit kailan napaka sadista niya talaga. tch sabay himas sa leeg ko.
"Tsk. Ano ba!" Inis na turan ko. Makabatok to, nakakabobo kaya yun.
"Sure kang crush lang?" Ulit pa nito.
"Deritsuhin mo na nga ako." Untag ko at bigla itong naging seryoso.
"Nagseselos ka noh?"
Panunukso nito at hindi ako sumagot. At nginiwian ko lang siya. Ako? Magseselos? Para saan?tch
"Tumahimik ka nga."
Saway ko sa kanya dahil hindi parin ito tumitigil kakasabi na nagseselos daw ako.tsk Asa.
Aminado naman akong iba na ang nararamdaman ko para kay Sir Gavin pero hindi ako nagseselos noh!
"Hmm.. Ang ganda ni Ma'am Kris tapos astig----"
"Oo na! Bagay sila diba?"
Sarkastikong sagot ko. Pinutol ko na kung ano pang sasabihin nito. At inismiran ko siya.
Edi sila na ang bagay. Sino ba naman ako diba? Isang estudyante lang, hindi maganda PERO Cute ako noh! at matalino rin ako minsan, madalas bobo. Haaayst
Tapos Pareho pa silang Teacher, Perfect match.tskHindi ako nagseselos okay? Hindi rin ako bitter. At bakit naman ako magseselos? Oo nga, bakit naman?
Lintek sino ba ako?
Di hamak na mas lamang si Ma'am Kris sa akin.Huhu! Nakakainis
*******
❤
YOU ARE READING
My Teacher My Lover
Fiksi RemajaZaniya Cresza Gonzales and Gavin Isaiah Delfueza. Their love story, unfolding against the backdrop of school academic halls, It is a tale of two souls who, through the pursuit of wisdom, discovered a love that transcends the constraints of time and...