Decision______
Hindi ako matahimik at mas lalo akong naguguluhan sa nangyari. Hindi ko alam kong tama bang mag Assume ako, paro kasi hindi ko naman alam kong yun nga talaga ang ibig sabihin ng sinabi niya diba?
Ay lintik. Nakakg*go kasing kausap si Sir.
Pero paano if gusto niya rin ako? Oh tapos? Tsk wala parin naman akong magagawa kasi hindi naman kami pwedi. Char ang advance ko talagang mag isip.
Pero sabi niya ipagpatuloy ko lang daw ang pag iwas ko, so it means itigil ko na? Wag na akong umasa? Ganun ba yun?
Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang pagkawindang sa nangyari.Buong gabi akong pagulong-gulong sa kama ko dahil Hindi ako makatulog.
Kaya pagdating ko sa eskwelahan nang hapon agad akong humilata sa upuan ko at umidlip.
Kaso ang ingay, ang ingay ng mga katabi ko.
"Tumahimik nga kayo!"
Inis na sabi ko ng nakatingin sa kanila, gulat na gulat si Mira sa sigaw ko pati si Cj at Nat ay napatingin sa akin. Tsk kainis naman inaantok talaga ako.. tapos ang iingay nila.
"May dalaw ka na naman ba?"
Tanong ni Mira at tinansya ang mood ko.
Inihiga ko ulit ang ulo sa armchair at pumikit.
"Ayos ka lang ba?" Nag a-alalang dagdag nito.
"Ina-antok ako, pakihinaan nalang ng boses niyo pwedi? Respeto naman sa natutulog." pang aalaskang sagot ko.
Kaya nakatanggap ako ng batok kaya napamulat kaagad ako.
"Aray naman Mira! ang sadista mo talaga! kainis." pagdadabog ko.
Kitang natutulog yung tao eh'.
"Nandyan na si Sir Gavin kaya umayos ka jan." bulong nito.
Agad naman akong napatingin sa pintuan at papasok na nga si Sir. Walang emosyon ang mukha nito, na para bang bagot na bagot itong pumasok ngayon.
Bumalik na ata ito sa pagiging masungit at grumpy, bakit naman kaya?
"Hi, SIR!" masiglang bati ko.
He was confused of my sudden out burst, Even Mira. Na nakatingin sa mukha kong naging masigla bigla, nawala na ang antok ko eh'.
Ito yung decision ko, kagabi kasi nagmumuni-muni ako at bahala nang masaktan atleast naging masaya ako. Hahayaan kong maging masaya yung sarili ko kaysa magmukmok at umiwas na ako rin naman ang nahihirapan.
Susulitin ko nalang ang natitirang buwan na kasama siya bilang guro kasi malapit na naman akong gumadruate.
Ayokong maging malungkot at maging bitter dahil lang hindi kami pwedi.
Ano ngayon kong Teacher ko siya?
Ano ngayon kong student niya ako?
Ano naman kong Umasa ako at masaktan? Kahit alin naman sa dalawa ang piliin ko masasaktan din naman ako diba?At kung hindi man kami para sa isa't isa atleast naging parte ako ng buhay niya at ganun din siya sa akin.
******
❤
YOU ARE READING
My Teacher My Lover
Teen FictionZaniya Cresza Gonzales and Gavin Isaiah Delfueza. Their love story, unfolding against the backdrop of school academic halls, It is a tale of two souls who, through the pursuit of wisdom, discovered a love that transcends the constraints of time and...