"Ano ang mas masakit? Sampalin ka ng mahal mo sa harap ng maraming tao o Sampalin ka ng maraming tao sa harap ng mahal mo?". Tawa pa rin ako ng tawa sa status na nakita ko sa newsfeed ko. Pinost to ng bestfriend ko samin. Si Thomas. Nakalimutan ko magkikita nga pala kame. Tuturuan nya daw ako mag Brazilian jiu-jitsu.
Nakalimutan ko magpakilala, ako nga pala si Patrick lloyd Sta. Maria. Pat for short. 20 years old. Bs Biology Student Sa Polytechnic University of the Philippines,Main Campus. Si Thomas naman sa Pup San Juan nag -aaral kaso nag-stop dala ng kahirapan.
"How to move on". Nakita ko lang kanina sa National Book Store sa may SM Sta. Mesa. Ewan ko ba parang may biglang pumigil sakin na kunin ung libro at bilhin. Bigla akong napaisip. Bakit ko pipilitin mawala ang mga alaala nung naging kame ni Catherine. Masyado ba kong mabait. Hindi ko man lang nagawang magalit sa kanya nun sa kabila nang ginawa niya sakin.
Siya na nga ang nangaliwa. Ako pa tong halos magmaka-awa sa kanya. Takte naman. Na de-depressed lang ako lalo sa tuwing naalala ko siya. Makapunta nga muna sa Quantum ng makapag-enjoy. Pagkapasok ko sa Quantum, di ko alam kung ano dapat maramdaman ko. Andun si Catherine, kasama ung lalaking pinagpalit niya sakin. Sympre ako dapat chill lang. Baka sabihin niya, iniistalk ko siya. Punta dun sa may tekken 6, para di nila ako makita. Andun lang kasi sila mga may nag vi-videoke. Sakto pagtapos ko maglaro. Tapos na rin sila magkantahan. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa, pero bigla na lang akong tumakbo ng mabilis pababa ng Ground Floor.
Ganun ba ko katakot na makita siya? Nakakabadtrip talaga. Hindi na nga ko muna pupunta ng SM baka mag krus na naman ang landas namen.
Uuwi na nga lang ako. Wala na ko sa mood para pumasok.
Term paper sa Ecology, Plant Press Sa Plant Systematics tapos aayusin ko pa pala ung kulang kong requirements sa Analytical Chemistry. 4th year na ko. Kaso di pa gr-graduate. Dami pang kulang e. Makatulog na nga lang muna. Favorite ko ang matulog. Ewan ko kung bakit. Siguro mas gusto kong lumipas ang panahon ng di ko namamalayan. Sabihin mo ng tamad ako. Pero sympre may mga dahilan din ako.
Hindi ako lumaki sa isang mayamang pamilya. Broken Family kame. Nakikitira lang kame ng mama ko sa tito ko sa Bacood. 'Yung tatay ko naman. Sumakabilang-bahay simula nung 3 years old ako. Hindi na nagpakita sa'kin simula nun. Ewan ko ba. Nagugulat na lang talaga ako ang gulo ng buhay ko. Ang gulo-gulo.
Valedictorian nung Elementary. Top 5 lang nung Highschool. Tapos bulakbol ng college. Ayos diba? Kung alam ko lang na ganto mangyayari sakin bat di ko pinagsumikapan nung First Semester pa lang nung College.
Parang ambilis ng mga kinekwento ko. Sure ako naguguluhan din kayo. Sige. Simulan muna natin simula nung elem. days ko. hehe
Itutuloy......
BINABASA MO ANG
Deadkiddd
Teen FictionDeadkid, ano nga ba ito? Isang termino na kumakatawan sa isang tao na mas madalas na nakaranas ng depresyon kesa sa kasiyahan. Tinatago lagi ang tunay na nararamdaman sa kabila ng sakit na naranasan. Isang kwento na tungkol sa isang lalaking teenage...