Para sa mga followers ko. Thank you at finollow nyo ko kahit wala masyadong dating itong sinusulat ko. Thank you talaga ^_^
Eto na ang pinakahihintay niyo ang Chapter 3. (tentenenenenennenen)
====================================================================================
Sa 2nd year hanggang 4th year na tayo. Hehehe
Hindi ko nasabi. Kahit anong sikap ko nung highschool. Hindi pa rin sapat. So siyempre bumagsak ako nun. Science and Mathematics. Yan ang bagsak ko nun. Dapat repeater ako niyan, kaso pinag-summer classes ako ni mommy ng isang subject para hindi ako mag repeat at makatungtong ng 2nd yr. H.S. (I love you mommy :* )
Pagkatapos nun, dahil nga bagsak ako, mula sa 3rd section nung 1st year (20 ung section nun). Sympre napunta ako sa lower section. Typical goodboy. Yan ang description ko nun. Naka-ahon naman ako nung 2nd yr. ako para maging higher section ulit sa 3rd yr. Kasama ng pagpasok ko sa higher section ulit ang pagpasok ng mga panibagong hamon. Dati kasi(ewan ko lang kung ganun pa rin ngayon). Dahil nga nasa higher section ako. Mas mababa yung mga binibigay na points para sa mga seatworks and quizzes kumpara sa mga taga lower section. Ewan ko lang kung tama yun. O malakas lang talaga mang trip yung mga teacher ko.
Muntik na ulit ako bumagsak sa isang subject. Sympre ayaw ni mommy un, nakiusap sya sa teacher ko. Hanggang nabigyan ako ng chance para gumawa ng special project. Malamang napaka-gago ko nun. Para di mapansin yung mga sinasabi at ginagawa ni mommy para sakin.
Fourth year. Nakapag-abroad si mommy sa saudi. Pero kulang pa rin. Di ko maramdaman. Hinaharang kasi ng kuya ko ung padala. Sympre bata. Ano bang alam ko sa mga ganyan.Nagkagulo sa bahay. Sinapak ko yung pinsan kong babae kasi nasagi yung bagong biling gitara ng kuya ko kapalit ng pagbili nya sakin ng cellphone nun. Inis na inis ung tito hinampas yung gitara ko sakin. Pinadala ako sa probinsya para dun mag-aral. Private naman. Ok na kahit papano.
May isa akong nakilala dun. Maganda, sexy, maliit at mabait. Sa paningin ko. Ok na ok siya. Kaso ang problema hindi ako marunong manligaw. Katorse ako nun, malay ko ba sa mga ganyan. Batang school-bahay-computer lang ako. Anong alam ko jan. hu3hu3hu3. 3rd year sya nun. Isang beses kumakain ako ng fishball sa labas. Bigla na lang siya nakipagkilala. Pogiiii ng kuya mo. hahaha. Ayun pakilala,uwian. Kinabukasan ata yun 'di ko alam. May dala siyang toblerone. Para sakin daw. Hindi ko alam kung bakit tinanggihan ko. Oo. Tinanggihan ko. Pag-uwi ko sa tita ko. Napahiya daw siya. Nalungkot ako. Kaya sa tuwing may aalok siya sakin. Kahit candy lang, tinatanggap ko na.
Natapos 'yung HS life ko. Walang JS prom. (wala sa school nun nung 4th year ako, di ako nakapunta nung 3rd year, walang pera e. ) Di ko man siya naligawan. Pero malamang 'di rin mag wo-work. Bumalik na kasi ako samin.
==================================================================================== ========================================================================================================================================================================
Sorry sa napakatagal na update. Comment naman kayu kung ano masasabi niyo. h3h3h3h3
BINABASA MO ANG
Deadkiddd
Teen FictionDeadkid, ano nga ba ito? Isang termino na kumakatawan sa isang tao na mas madalas na nakaranas ng depresyon kesa sa kasiyahan. Tinatago lagi ang tunay na nararamdaman sa kabila ng sakit na naranasan. Isang kwento na tungkol sa isang lalaking teenage...