2

9 0 0
                                    

Chapter 2

"Tara na at mukhang lasing na itong si Vanessa" pagyaya ni Jen. Tinignan ko lang si Vanessa.Tama nga si Jen.Nakikipagsayawan na si Vanessa doon sa Dance Floor ng sexy dance.

Tumayo kaming tatlo at pinuntahan si Vanessa. Walang paalam namin siyang hinila papuntang Parking lot at sinakay siya sa Van. Nagpupumiglas pa ito kaya nahirapan kaming ipasok siya.

"Ayoko pa'ng umuwi!" Bulyaw nito sa amin.

"What?!" Inis na tanong ni Anastasia.

"Ayoko pa'ng umuwi.Bingi ka ba?!" Sigaw nito sa amin at nag-umpisa ng tumulo ang kanyang mga luha.

"Ano ba'ng nangyayari sayo? Kanina lang naman ay tili ka ng tili dahil sa lumapit na sayo si Quain .Ngayon naman ay pinagsisipa mo kami at sumisigaw ng ayaw umuwi" sabi ni Jen.

"Basta! Ayaw ko pa'ng umuwi" Sigaw nito sa amin at nagpapadyak-padyak ng tuluyan namin siyang naipasok sa loob.

"'Wag ka ngang umakto na parang bata!"

"Quain" banggit nito sa pangaln ni Quain.

"L*tch*! Ano ba'ng nangyari sa inyo ni Quain kanina noong ni-lock namin kayo sa VIP Room"

"May gusto siyang iba" pagtatapat nito at mas lalong umiyak.

"So?!" Sabat ko.Hindi niya ako pinansin at umiyak na lang ng umiyak.

Nang iyak pa rin siya ng iyak ay pinaandar na ni Jen itong Van niya nang hindi sinasagot ang mga tanong namin.

Inihinto na ni Jen ang Van niya sa tapat ng bahay ni Vanessa at bumaba para pagbuksan kami ng pinto.

"Anastasia at Nevaeh, Ibaba niyo na iyan" sabi nito.

Bumaba na kami at inalalayan si Vanessa na himbing na himbing sa pagkakatulog mula sa pag-iyak niya kanina.

"Ang bigat mo" bulong na reklamo ni Anastasia ng maihiga na namin si Vanessa sa kama niya.

Napahiga na muna kami sa kama niya at nag-inat-inat.

"Gusto ko ng matulog" sigaw ko at inagaw ang unan ni Vanessa mula sa pagkakayakap nito.

"Hindi lang ikaw" sabi rin ni Anastasia at inagaw rin yung isang unan na nakapatong sa mukha ni Vanessa.

Napabalikwas kaming dalawa sa pagbangon ng bumusina mula sa labas si Jen. Nagkatingan kaming dalawa at napasimangot. Dali-dali kaming bumababa sa Forst floor at lumabas.

"Ang tagal niyo naman" sabi ni Jen at sumusob sa bintana sa tabi niya.

"Puro ka reklamo. Mag-Drive ka na lang" pabirong sabi ni Anastasia at tumawa ng mahina.

"Wow! Palibhas hindi ikaw ang nagd'-drive ano?" Balik naman na sagot ni Jen at nag-drive na.

Nakitawa na lang ako sa kanilang dalawa. Ipinatong ko ang dalawa ko'ng binti sa upuan at humarap sa upuan.Maya-maya lang at nakatulog na rin ako.

Nagising na lang ako ng may pumalo sa legs ko. Iminulat ko ang aking mga mata at tinignan kung sino ang gumawa no'n. Si Jen pala.

"Baba na at gusto ko na rin matulog" sabi nito habang kinukusot niya ang kaniyang mata at humihikab.

Tumango lang ako at kinuha na iyong mga gamit na dala ko.

"Bye" sabi ko habang kumakaway " Salamat sa paghatid" Dagdag ko pa ..Hinintay ko muna siyang umalis bago pumasok sa loob.

Pagkapasok ko ay hinagis ko na lang sa kung saan-saan ang mga gamit ko humilata sa malambot ko'ng kama.

'Eto ang gusto ko!' Sigaw ko sa isip ko .Kinuha ko ang lahat ng mga unan ko at pinaglalagay iyon sa mga sulok-sulok ng aking katawan.

"Finally, He noticed you" Paguulit ko sa sinabi ni Quain. Nakakunot ang Noo ko at naka-arko ang aking nga kilay. Hanggang dito ba naman?

Pero ano nga ba ang ibig sabihin niya doon?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Die Hard FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon