CHAPTER 1: Siopao

208 24 105
                                    

ETHAN'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


ETHAN'S POV

"I'm sorry to inform you, Mr. Corpuz but if you keep on staying quiet in our class and won't interact with other students plus the fact that you have consistent failing scores in our quizzes and exams, you might fail this semester."

I nodded silently as I listen to the concerns of my Math professor. Ever since I was born, I'm not really friends with numbers so here I am.

"If you want to pass, please do communicate, Mr. Corpuz."

"Yes, sir." maikli kong tugon.

Lumabas ako nung matapos na ang pag-uusap namin. Napahimas nalang ako sa batok habang naglalakad palayo mula sa opisina ng propesor.

"Boom! Bagsak ka, Corpuz!" gusto ko nalang magmura nung bigla nalang lumitaw mula sa kung saan ang tatlong kaibigan kong mga kampon ni Satanas. "'Yon talaga ang gustong sabihin sayo ng prof mo, dude. Nahihiya lang 'yon." dagdag ni Zac.

"Ba't kasi nag enroll ka ng Engineering kung hindi kayo friends ni Math, Ethan?" si Dion ang nagsalita sabay akbay sakin.

"Wala lang." maikli kong ani.

I just don't want to be in the same course as this three minions. Ang iingay nila. Laging sabog.

"Sabi ko naman kasi sa'yo mag Fine Arts ka nalang, eh!" sumingit ang bobong si Ryan. "Walang math dun tsaka marami pang chicks! BWAHAHAHAH- aray! yan na naman kayo!"

Tatlong sunod sunod na pagbatok ang hinampas namin sakanya. Naging hobby na naming tatlo ang pamamatok sakaniya. Minsan nga kusa nalang kumikilos ang ang mga kamay namin.

"Nandito lang pala kayo!" sabay sabay kaming napalingon sa unahan nung marinig namin ang pamilyar na tinig na 'yon ng kung sino. Nung humarap ako sa unahan ay naaninagan ko ang napakaganda niyang mukha.

"Cooper!"

And here goes my first love.

"Kanina pa namin kayo hinahanap." Airon came, his lover. "Bilisan niyo! Sa bar tayo! Celebrate dahil nakapasa kami sa exams."

The three minions came running towards them and continued walking.

"Cooper 'yang jowa mo nakita ko may kasamang babae kahapon sa mall!" sumbong ni Dion na ikinasama ng mukha ni Cooper.

"Nangangabit si Airon, mine!" si Ryan na confident pa.

I saw how Cooper flinched in disgust upon hearing his call sign with Airon being used by Ryan.

"Mga ulul! Mama ko 'yon!" tig-iisang sampal ang natanggap nilang tatlo mula kay Airon.

"Ay Mama mo pala?" si Ryan na napapahimpas sa sinampal niyang pisngi. "Ang hot pala ng mama mo."
Bigla silang natigil lahat sa paglakad at napatingin kay Ryan. "B-Bakit...?"

ETHAN CORPUZ: The Masked ProstìtuteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon