" HOOOOOY " dahan dahan kung nilingon kung sinong sira-ulong sumigaw sa akin.
Anlapit-lapit ko na eh kailangan pa akong sigawan.
"Oh?" sabi ko. Yung partner ko pala sa social dance na si Andro. Nandito kasi kami ngayon sa Gym at nag iintay ng professor namin para sa sayaw. Kasama nya yung mga kaibigan nya.
" Antok na antok tayo ah " wika ni Ross. isa sa kaibigan nya.
Ngumiti na lamang ako dahil wala talaga ako sa mood umimik. Masakit yung ulo ko dahil di ako nakatulog kagabi. Habang nakasandal ako ay isinaksak ko sa magkabila kung tainga ang aking headset at nagpatugtug, ipinikit ko muna yung mga mata ko at nagtaklob ng towel sa mukha. Mamaya pa naman siguro si Sir.
Habang may kanya kanyang mundo yung mga kaklase ko ay biglang may tumabi sa akin. Hinayaan ko lang dahil akala ko e si Shan ito. Hindi rin kasi umiimik eh.
" Okay Class Attendance tayo" mahina akong tinapik ng aking katabi pagkarinig ko nung boses ni sir. Dali dali naman akong umayos ng upo. Habang lipang pa sa mga nangyayare e biglang tumabi si Shan. Agad akong nagtaka dahil akala ko ay sya yung tumabi sa akin kanina. Bigla naman akong napalingon sa aking katabi at nakitang naglalakad na si Lopez papunta sa mga kaibigan nya.
" Ba't katabi mo yun?" wika ni Shan. Napaisip din ako kung bakit tumabi sa akin yun. Hindi kaya dahil nalike ko yung post nya kaninang madaling araw? Pinilig ko ang ulo ko at nagkibit balikat na lamang dahil wala akong maisagot sa tanong nya.
"Okay class formation tayo" dali dali kaming nagsibabaan sa gitna ng gym para sa sayaw.
"Kaya ba today?" Nang-aasar na sabi ni Andro. Sinamaan ko na lamang sya ng tingin, ngunit agad akong nagtaka ng narinig kong tumawa si Lopez sa likod ko.
" Wag mong asarin baka mamaya masuntok ka nyan!" wika nito.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ireact dahil first time nyang umimik ng ganun. Napatingin na lamang ako sa kanya habang sya ay nakangisi sa akin. Nagtitigan kami ng halos 10 segundo ng biglang sumigaw si sir ng game na. Tumingin na lamang ako sa harap at ipinag walang bahala ang nangyare.
Parang tanga yung dibdib ko. Nasobrahan ata kaka kape.
******
"Okay class, see you next meeting" pag papaalam ni Sir.
Tamad akong umupo sa gilid at uminom ng tubig. Habang iniintay si Shan ay nagbukas muna ako ng aking facebook account.
"Psalm Lopez sent you a friend request" ito ang bumungad pagkabukas ko ng facebook account ko. Napakunot ang aking noo at inilibot ang tingin sa buong gym. Nakita ko si Lopez na naglalakad habang hawak ang kanyang cellphone. Napakunot ang noo ko lalo ng lumingon ito sa akin sabay ngiti. Agad akong umiwas ng tingin dahil naiilang ako. Siguro ay gawa ito nung aksidente kong nalike ang picture nya kaninang umaga. Pinindot ko ang confirm at inexit ang app sabay tago ng cellphone ko sa bag.
"Tara na?" Akit ni Shan at sabay kaming lumabas ng Gym.
Pumunta muna kami sa cr para magpalit ng damit dahil may klase pa kaming susunod. Ayaw ko naman magklase ng pawisan kaya nagpalit nadin ako.
Dala ng pagod at antok ay lutang talaga ako nung mga sumunod na klase kung kaya't napag desisyunan namin na sa hulihan muna kami makiupo.
Kaya habang nagkaklase si mam ay antok na antok talaga ako. Malapit na akong makatulog ng may biglang sumipa ng bangko ko.
Nagulat naman ako at napaayos ng upo. Pasimple akong lumingon at nakitang nakangisi ng pang-asar si Lopez sa akin. Sa sobrang asar ko e halos hampasin ko na to ng notebook ko.
Buti nalang ay bigla akong kinulbit ni Shan dahil napapatingin si Ma'am sa gawi namin. Kaya naman imbes na pansinin pa ay tinalikuran ko nalang ito at nakinig kay Ma'am.
Nang matapos ang klase ay dali daling nagtakbuhan ang mga sira-ulong nakaupo sa likudan namin. Nakita ko pa si Lopez na nakangisi na naman sa akin ng pang asar kaya naman sinamaan ko ito ng tingin..
May araw kadin sa akin.
